Di na bago pero .....
Pag pasok ko sa coastal mall may mga sumalubong na agad sa akin, "sir renew kyo ng license" wow astig kumpleto asikaso. (Wish ko lang) Mga fixer kung tawagin, naglipana sa harap ng LTO Pasay Office. Di ko pinansin kasi alam ko mabilis nanaman ang proseso kasi computerize na sila. May nakita pa akong nakadikit na babala, "Do not transact with fixer" hasus!! bakit ang dami at di hinuhuli? (baka may kumukunsinte?) Pag lapit ko sa customer service table tinanong ako kung kailangan ko, sabi ko "mag renew po ng license" at hinigi ang lisensya ko pag katapos nag sulat. "O, mag medical at drug test ka muna" may tinawag na tao at pinasama ako.
Pag dating namin sa opisina nila may naabutan akong ng praktikal exam. Aba ayus ah..parang totoo. Tinawag ako at nagsulat un ale. "naiintindihan mo ba yan mga yan? " aba oho! Muliy nagsulat pag katpos siningil ako ng singkwenta pesos, bayad daw sa medical. Ano?? ang bilis ah!! kaya naman pala! hehehehe
Pagkatpos lumipat kami nun mama sa kabila para sa drug test. empre pinag fill-up ng form tpos pina-ihi sa botelya at punuin ko daw! Malufet talaga! tinanong lang ako kung nag inom daw ako kagabi, kung uminom daw ng drugs sa nakalipas na 30 araw at kung gumagamit daw ako ng ipinag babawal na gamot. Loko pala sila, sya e-examine nila eh bakit pa itinanong!! empre lahat sasagot ng nde! pag katapos kong sumagot, Hayun!! sinigil ako ng dalawang daan at sinkwenta. hay... lintek na sistema yan!
Samaka-tuwid may medical at drug test na ako. isinama ulet ako at pinale na daw yun. Tinanong ako kung gusto ko daw ng express o hindi, kung hindi, dadaanan ko daw un apat na window na iyon sabay turo. Tinanong ko kung anong diperesya nuong dalawa. Sabi nya sa express, pipila lang daw ako s kodakan at pagkatapos hihintayin ako na yun drivers license ko. Huwaw!! impressive!! mabilis nga!! (nadali ako ng fixer!!) sabagay kanina nyo pa ako naisahan sige na nga Php570.00 din ang ibinayad ko!
So pumila na ako sa kodakan, pag katapos kong makuhanan ng litrato naghintay lang ako ng ilang minuto, Ayus!! may lisensya na ulet ako.
kung titingnan mo madali lang talaga ang proseso, nakaiwas ako sa mahabang pila (kaya humaba ang pilang iyon ay malamang kasi nauuna lagi ang papel namin na napadaan sa mga mokong na pixer) natulungan ko un pixer kasi may kinita sya at higit sa lahat naloko ko ang sarili at bayan ko. hehehhe...
Di na bago pero kung ang namamalakad ng LTO Pasay ay nais mabago ang systema ng kalagayan natin dapat sa Ahensya nya mismo ay hindi nya hinahayaan ang ganito. Ewan ko ba! e ano pa kaya un nasa malacanyang????