Apat na araw na pakikisalamuha sa membro ng Mountaineering Federation of The Philippines (mfpi.org). Binuo ng mga deligado mula Mindanao, Visaya's at Luzon, na pinamunuan ng grupong Province of Ilokos Norte Adventurers Kampers Bikers Eco-Tourism (PINAKBET)
Iba-ibang aktibidad ang offer ng PINAKBET, may Ilokos Tour, Climb, BMC, Bike etc. Empre sa Climb ako sumama. Inakyat namin ang Mt Agamomata na halos sakop na ng Kalinga at Apayao. Kasama ko ang dalawang malapit sa akin, si Kulas at Ronnie na di nag tagal, sumama na sa amin si Mike Adik (Adik sa Outdoor)
Briefing bago lumarga ang mga makukulit at masiyahing grupo
Ridges Patungo sa itaas ng Agamomata
Unang gabi sa Camp 1 (PINAKBET at Bhadat ng Negros Mountaineering Club)
Si Kulas at ako sa itaas ng Agamomata
Ang mga bago namin kaibigan galing pa ng Negros
Tsalap maligo bago mag yugyugan sa Basecamp
Ronnie, Kulas, Ako at Diane ng Discover Philippines (sa Base Camp)
Matapos ng dalawang araw sa ka-ilugan at kabundukan at pagkatapos ng ibang aktibidades, isang gabi ng pasasalamat. Kainan, tugtugan, inuman, tawanan, sayawan at basta siang gabing puno ng kasiyahan. Nag-imbita na din yun ibang grupo na sya namang hahawak sa susunod na Congress at ibat ibang aktibidades na gaganapin sa kani-kanilang rehiyon.
Ayan! tumatalab na ang alak! hihiiih.. Mike Adik, Ako, Kulas at Dianne
Ganito na ulit kami kasiya, mangyari baga sa damuhan nanaman ako nakatulog at di na umabot sa loob ng tent! hik..hik. hik.. hehhehehe...
Pahabol; salamat sa nag ambag ng litrato, Dianne ng Discover Philippines, Zaldy ng IMX at si Maning ng Outdoor Adiks!
iba pang kuha