<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12525814?origin\x3dhttp://dengdunicio.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
 
 
 
  

ABOUT

          Mahilig sa outdoor, pala-kaibigan, mountain guide, umiinom pero di mangi-nginom, mahilig mag explore, laki sa probinsya at ahh.. hmmm.. ano pa ba? pagnakita na lang tayo kwentuhan tayo! heheh...  

ARCHIVES

         
  • May 2005
  •         
  • June 2005
  •         
  • July 2005
  •         
  • August 2005
  •         
  • September 2005
  •         
  • October 2005
  •         
  • November 2005
  •         
  • December 2005
  •         
  • January 2006
  •         
  • February 2006
  •         
  • March 2006
  •         
  • April 2006
  •         
  • May 2006
  •         
  • June 2006
  •         
  • July 2006
  •         
  • September 2006
  •         
  • October 2006
  •         
  • December 2006
  •         
  • February 2007
  •         
  • April 2007
  •         
  • May 2007
  •         
  • June 2007
  •         
  • July 2007
  •         
  • August 2007
  •         
  • October 2007
  •         
  • December 2007
  •         
  • January 2008
  •         
  • April 2008
  •         
  • May 2008
  •         
  • June 2008
  •         
  • July 2008
  •         
  • August 2008
  •         
  • September 2008
  •         
  • November 2008
  •         
  • December 2008
  •         
  • February 2009
  •         
  • March 2009
  •         
  • April 2009
  •         
  • June 2009
  •         
  • July 2009
  •         
  • October 2009
  •         
  • November 2009
  •         
  • December 2009
  •         
  • January 2010
  •   

      

    LINKS

      Apol  
             dito ga sa amin  
            D' Happy Campers!!!  
            bebengski  
            Umbro       
            Ivan Ulrich  
      Pansitan   
            Sweetlady  
     Batangenyo ka ga?       
            Tina Galido       
      Giz       
      Ka Atoy       
      My Baby    
            Sorbetera    
            Hardcore Arci! hehehe    
      Leng       
      
               

    Shout Box

     

        

     

    Wednesday, February 21, 2007

                        
                

        Balita     

                 
     

         

    Eleksyon nanaman! kagabi napanood ko ang Asin live sa isang istasyon. 28 years na pala ang Asin, akalain mong kasing edad ko na pala ang bandang ito. Pero nakatawag pansin sa akin ay yun isang kanta nilang alang kamatayan "Balita". Halos 3 dekada na ang kantang ito at pagbinasa mo sya o mas maiging pakingan ang mga titik nito, dili kaya'y sabayan at damdamin ang kanta, ay syang akma sa pangkasalukuyan. Tinanong si Lolita kung may naitulong ba yun mga kanta nila sa kasalukuyan o may pinagbago ba. Sabi nya sa interview ang pagbabago ay na sa bawat puso ng indibidual. Ang ibig nyang sabihin ay "WALA?" ay kasaklap yata!


    lapit mga kaibigan at makinig kayo
    ako'y may dala dalang balita galing sa bayan ko
    nais kong ipamahagi ang mga kwento at
    ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipiinangako


    I
    Ang lupang pinanggalingan ko'y may bahid ng dugo
    May mga lorong di makalipad nasa hawlang ginto
    may mga puno walang dahon
    mga pusong di makakibo
    sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipiinangako


    II
    mula ng makita ko ang lupang ito
    nakita ko rin ng munting apoy sa puso ng tao
    ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago,
    ngayon ang puso'y may takot sa lupang pinangako


    (repeat chorus)


    III
    dati rati ang mga bukid ay kulay ginto
    dati rati'y ang mga ibon sinlaya ng tao
    dati rati ay katahimikan, ang musikang nagpapatulog sa mga batang walang muwang sa mundo


    IV
    ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
    patakan n'yo ng luha ang apoy sa kanyang puso
    dinggin n'yo ang mga sigaw ng mga puso
    ng taong una n'yong dadamhing kapilang sa inyo


    V
    duul mga kaigsuunan nugpaminaw kamo
    duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
    gusto nga i pahibalo ang mga istorya nga nagagahitabu sa banwagisa na to


       

       
                   
                              

    Thursday, February 01, 2007

                        
                

        Ang Pagbabalik, kwento, at bagong hamon     

                 
     

         

    hehehe.. tagal na kong di nakapasyal dito ah! Madami na ngang nabago maliban sa di na tumataas yun height ko.

    Nobyemre 2006.. huling lakad ko sa bundok ng taon, tumungo ako kasama ang groupong ADUMS sa Bundok ng Daguldol, San Juan, Batangas.. .. (mga larawan)

    Disyembre 2006... heheh nalalapit na ang pasko ng panahon na ito at empre ang pinaka espesyal ng taong ito e yun kasal ko! hahaha (ala pa po yun mga larawan paumanhin) Opo ito siguro ang dahilan kung bakit medyo bihira ako makapasyal dito. Dahil din sa pangyayari may pagbabago at malaking pag aadjust nga ang kelangan ko bilang buhay may asawa!

    Enero 2007 ... happy new year sa inyong lahat!!! bagaman bago ang taon, nagbakasyon agad kami ng misis ko sa ospital kasi nagkasakit sya. Di lang ito ang una bagkus pa 3 na namin. Kaya naman napasabak agad ang inyong lingkod sa hamon ng buhay. Utang agad kabikabila ang inabot. Magkaganun pa man sabi ng ibang malalapit sa akin e ganun lang daw talaga ang buhay, makakaraos din (ganun ba talaga dapat?)

    So tama na yan.... isang bagong hamon para sa bagong taon... nawa'y bago matapos ang 2007 e ndi maging mailap ang mga mangyayari. Tuloy ang buhay, pakikibaka, pamumundok, buhay may asawa at pagkayod para sa kanila...