Ekonomiya ng Sibuyas
Tayong mga pinoy ay mahilig magluto at kumain. Kadalasan ng lutong pinoy ay dinadaan sa pag gisa-gisa. At siyempre kelangan natin ng sibuyas. Sibuyas na pampasarap ng ating ginisa. Sibuyas at isa sa mga madalas na kailangan sa pang araw araw lalo na sa pagkain lulutuin. Sa adobo, sardinas, mag sang-kutsa at iba pa. Nasubukan mo na ba bumili ng sibuyas sa tindahan? Di ka ba nagulat sa presyo nito? Ano kaya ang dahilan kung bakit ang mahal mahal ng sibuyas ngayon? sabi nun isang kainuman ko nun isang araw eh dahil daw ito sa pagpigil ng gobyerno na pagpasok ng mura at imported na sibuyas. Totoo at di ako makapaniwala kung bakit sa kabila ng imported na sibuyas e mas mura pa kesa lokal na produksyon ng ating bansa. Bakit nga ba? Di naman natin maipagkaila na lagi natin gamit ang sibuyas sa pag luluto ng paborito natin putahe. Pero na na ngayon na mas mahal pa ang kilo ng sibuyas kesa karne. Napakalayo sa sinasabing ng gobyerno na gumaganda na ang ekonomiya pero yun pangunahing pangangailangan natin e tumataas! lintek ng ekonomiya yan, pede ba natin igisa yan?! hehehe