Oh Amuyao para sa di Umayao
Pababa ako ng Baguio (pagkagaling ko ng Pulag) ng Nagring ang cellphone ko. Si Sir Benjie ng Happy Campers. Nag papasked para sa Mt Amuyao trip. Dahil tropa sige wala tayong problema dyan, tuloy natin yan.
Nov 29- Dec 2 ang naging hatol na petsa, kasama ang pag saglit sa Batad. Matapos ang pre climb na ginanap sa opisina ng Yokogawa ay masaya ng naghanda at excited ang lahat kaya may kaunting barikan duon sa something fishy sa may eastwood.
Biernes, Nov 28 ng gabi, Tumulak ang tropa patungong Banaue, Ifugao. Bagamat nagkahiwalay ng bus ay hindi naging hadlang sa lahat. Yun nga lang sa bus ko ang init, walang aircon!! boss pede bang kalahati lang ang bayad?? huhuhuh.. .
Nov 29, Welcome Las Vegas!! hehehe. . . sinalubong kami ng kausap ko na sa Boss Jack sa kanilang Inn at reastaurant. Pero Jack please naman sana sa susunod marami kayong iba ibang lutong pagkain ha! Matapos mahuli ang kabilang bus at makapag almusal ang lahat ay tumulak na kami patungong Barlig, Moutain Province. Malamig ang byahe namin kasi nasa ibabaw kami ng Jeep. hehehe so paminsan minsan ay na shot kami ng mahiwagang C2 drinks. heheh lam nyo na pampainit. matapos ang apat na oras sa ibabaw ng jeep (nde kami nalasing ha) narating namin ang Barlig ng hapon.
Dito medyo natagalan kami. May mga pagbabago na kasi, may opisina na tourism duon. Kelangan namin ng mandatoryong local guide, mag rehistro at magbayad ng ubod ng laki! malaki pa nga sa akin eh. tsk tsk. . . wala na akong nagawa kundi sundin ang patakaran na iyon. kulang 2 oras ang inubos namin bago nakatulak ng tuluyan ang lahat paakyat ng Amuyao. May kalamigan, naulambon at maputik. May kabagalan ang lakad sa sobrang putik kahit na halos inde nagpapahinga. Makalipas ang apat na oras ay unti unti ng naglalaho ang liwanag, kasabay nito'y habang dumidilim ay kinakain na rin ng kapagalan ang karamihan sa happy camper.
Nagpalitan kami ni mike sa pag sweep, tuluyan na nyang hinawakan ang 5 nahuhuli habang ako'y akay ko si boss Jod sa karimlan na may kalamigan na bumabagsak na ng 9 na sentigrado. Patarik ng patarik ang daan at paputik ng paputik ito, sinabayan pa ng mga hagdan na madulas. sa pagkakataon iyon ay pilit kong binubuhay si boss Jod na wag nang malungkot at di maglalaon kahit parang ayaw na nyang umusad ay mararating din namin ang tuktok na inaasam ng lahat.
Alas diyes ng Gabi, Oo tama ka, ikaw na bumabasa! hahaha dumating ang unang yugto ng grupo sa summit. nagkasa ng mga kubol si Pangulong Bart at nagluto ng sinigang si Chef Don. Kala nyo ako na no?! hihihihi nde pa nagyoyosi pa ako ng oras na yan at pinipilit pa ni boss Jod na umusad. hehehe Fish tayo boss Jod. Kaya eto na, ala-una ng umaga, Oo ulet! eto tunay na! matapos ang mala usad pagong sa karimlan at kaputikang daan, nakarating din kaming dalawa! sabi nya di na daw sya kakain pero nun makahigop ng sabaw sinigang ay humirit na ng kanin! hehehhe. . .
Umaga na at nakakaramdam na ako ng antok, tulog na ang iba at halos mag alas- tres na ng umaga. Sa wakas!!! kinailangan ko ng iinit ang sinigang kasi dumating ang ang panghuling grupo na hawak ni mike! yohooo. .. . Happy Campers talaga kayo di umaatras parang arthro! hihihihi apir!
Bagaman karamihan sa kanila ay nahirapan maging sa pagbaba, mababakas ko sa mga mukha nilang, sila'y tunay na nahirapan este tunay na nag enjoy. Ganun naman talaga ang namumundok, kahit nahihrapan lalaong nasasarapan! hahaha. . . Kahit ginabi na nakabalik ang grupo sa Banaue, nakuha pa namin mag inuman at humigop ng pampagising na papaitan ni Don! hihihii daming da who, daming kwento, daming tawa, daming nadulas ang suma-tutal, ang sakit sa tiyan kakatawa. natulog kaming ng may himbing at ngiti. mamaya lang kasi ng konte ay sasaglit kami sa Batad.
Mt Amuyao, ilang talampakan lang ang lamang ng ibang bundok sa kanya. Mataas na din ang lugar kung saan ka mag umpisa umakayat (around 1600ASL sa Barlig). Medyo ang kundisyon lang na putikang daan ang magpapahirap sa panahon ngayon duon sa kadahilanang nag aakyat ng mga kagamitan gn kumpanya ng ABS-CBN para sa bago nilang aparato na tinatayo duon sa tuktok nito.
Para sa Happy Campers, Congrats sa inyong lahat! walang susuko! apir!