Sa Kanlungan ng kalikasan
Lumaki ako sa probinsya ng Batangas, bayan ng Cuenca. Nakamulatan ko na ang bundok ng maculot. Matayog, ma-ibon, ma-puno at malamig ang simoy ng hangin. Bata pa ko siguro'y kalagitnaan ng dekada otsenta ng may nakikita akong mga tao may dalang bag na malalaki at patungo sila sa bundok ng maculot. Naging palaisipan sa akin yun at naisip kong magandang libangan ang maging parte, makita, maramdaman, kasalamuha ang kalikasan kaya't nun ako ay magkokolehiyo na, eto ang napili kong libangan.
Sa kanlungan nito madami akong natutunan, lalo na yun pagpapahalaga nito na tayo'y parte lang nila na dapat linangin, ingatan, mahalin ng sagayo'y maranasan naman ng mga susunod pang henerasyon.
Sa kanlungan nito nakita ko ang mga pagbabago na katulad din ng ating lipunan. Lumilipas, may sisibol, yayabong at pag-daka'y sa huli yuyuko sa lupa.
Masarap kaulayaw ang kalikasan, kasama ang mga matalik mong kaibigan. Malamig na ilog, halaman, ibon at mga taong makakasalamuha na naka depende din sa lugar mapabundok man o tabing dalampasigan.
Masarap mamahinga sa kanlungan nya...
Tayo'y nakikitira lang sa kanya...
Nakikisinsay at nakikinabang sa ganda...
Kalikasan ay ingatan, di nya tayo pababayaan...
Sabi nga ng isang kanta "sa kanlungan ng kalikasan, dito ako nabubuhay"
- deng