Tila baga unti unti ng nawawalan ng saysay o nabaon na nga na tuluyan ang ipinaglaban at mithiin ng mga taong walang iniisp kundi ang kapakanan ng maliliit laban sa mga mapagsamantala at mapanupil na ang alam gawin ay pagpapasasa sa yaman nito. Di alintana ang kung balanse o hindi ang mahalagay mamuhay ng masarap kahit sandamukal na kababayan nya ang walang awa nyang inaabuso at ayos lang kung ipagbili ang sarili sa mga banyaga para sa kapakanan ng sariling interes. Mas hangad na pagsilbihan ang mga banyaga na sakim at mapanukso kay juan dela cruz. Banyagang ang nais ay makamkam ang mga lupang pinagyaman ng mga ninuno at ang masahol pa dito'y ginawang alipin sa sariling bayan ang mga anak pawis. Sa loob ng isang siglo may nabago nga ba? hindi baga't balat kayo lang, anyo, panahon at istraktura ang nabago ngunit ang sistema ay sya pa din! Sistemang ginawa pabor sa mga may salapi, makapangyarihan at lalong lalo na sa mapanuksong dayuhan. Malaya nga ba tayo? Ikaw ano sa tingin mo? Naalala ko un guro ko nuon sabi nya e kung pasakop na lang daw tayo kay uncle sam, tutal ganun din naman ang siste ikinukubli lang sa mga trapong pulitiko. Baka sakali daw maging patas ang buhay ng maliliit kung sakali. ano kya? e di wala ng June 12?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home