<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12525814\x26blogName\x3dang+mundo+sa+paligid+ni+deng\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://dengdunicio.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://dengdunicio.blogspot.com/\x26vt\x3d5368853665116944295', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
 
 
 
  

ABOUT

          Mahilig sa outdoor, pala-kaibigan, mountain guide, umiinom pero di mangi-nginom, mahilig mag explore, laki sa probinsya at ahh.. hmmm.. ano pa ba? pagnakita na lang tayo kwentuhan tayo! heheh...  

ARCHIVES

         
  • May 2005
  •         
  • June 2005
  •         
  • July 2005
  •         
  • August 2005
  •         
  • September 2005
  •         
  • October 2005
  •         
  • November 2005
  •         
  • December 2005
  •         
  • January 2006
  •         
  • February 2006
  •         
  • March 2006
  •         
  • April 2006
  •         
  • May 2006
  •         
  • June 2006
  •         
  • July 2006
  •         
  • September 2006
  •         
  • October 2006
  •         
  • December 2006
  •         
  • February 2007
  •         
  • April 2007
  •         
  • May 2007
  •         
  • June 2007
  •         
  • July 2007
  •         
  • August 2007
  •         
  • October 2007
  •         
  • December 2007
  •         
  • January 2008
  •         
  • April 2008
  •         
  • May 2008
  •         
  • June 2008
  •         
  • July 2008
  •         
  • August 2008
  •         
  • September 2008
  •         
  • November 2008
  •         
  • December 2008
  •         
  • February 2009
  •         
  • March 2009
  •         
  • April 2009
  •         
  • June 2009
  •         
  • July 2009
  •         
  • October 2009
  •         
  • November 2009
  •         
  • December 2009
  •         
  • January 2010
  •   

      

    LINKS

      Apol  
             dito ga sa amin  
            D' Happy Campers!!!  
            bebengski  
            Umbro       
            Ivan Ulrich  
      Pansitan   
            Sweetlady  
     Batangenyo ka ga?       
            Tina Galido       
      Giz       
      Ka Atoy       
      My Baby    
            Sorbetera    
            Hardcore Arci! hehehe    
      Leng       
      
               

    Shout Box

     

        

     

    Tuesday, January 31, 2006

                        
                

        Sarap matulog kaso, ....     

                 
     

         

    Waaaaaa..... Nun nagdaang taon, Disyembre pa ang huling aktibidad ko sa outdoor. Umakyat ako nuon sa bundok at pagkatapos nuon, wala na! waaaaaaaa..... kain tulog, kain tulog at kumain pa at matulog. Ni kaunting takbo at papawis man lang di ko na nagagawa, ay kalungkot. May pag daka pa'y pag barik ang nasusulingan. waaaaaaa...........
    Ang epekto, nasanay na muli ang katawan kong matulog ng mahaba. Empre tumaba ako at ito yun pinaka masaklap. Yun datihang 27 pulgada na sukat ng mga pantalon ko, ang sikip sikip na! wahahahah....

    Sabi ko sa sarili ko, kailangan muling mag dyeta at mag ehersisyo. Kagabi nga lang nag set ako ng alarma sa oras upang gumising ng maaga at sa kasamaang palad, bigo pa din ako huhuhuuhuu.... Ala lang kelangan ko pa din ma motibeyt ang sarili ko para mag dyeta at ehersisyo upang bumalik naman sa kondisyon ang sarili ko kahit paano.

    Yun lang.
       

       
                   
                              

    Monday, January 16, 2006

                        
                

        Parang gobyerno     

                 
     

         

    Natatawa ako at naiinis, kung bakit kasi, ganito po yan. Membro kasi ang van namin sa isang samahan ng sasakyan na bumabyahe ng molino, bacoor to alabang via daang hari. minsan naman pag may pagkakataon e may umaarkila din nito. Pero kolorum po sya, lahat ng bumabagtas sa daang hari na public transport e kolorum. ala pa kasing nabibigayna ng linya dito.

    Mula sa amin (Springvil Molino) 15 gang 20 minuto, nasa Alabang ka na! ang galeng ano po. Ang grupong kinabibilangan ko ang syang nagpasimula ng byahe dito. Ito kasi ang pinakamabilis na daan patungong alabang. Kagaya ng gobyerno, nun una daw maayos ang pamamlakad palibhasay lahat ay kumikita. alang nag guguglungan at alang mapagsamantala. At nangdahil siguro sa pera at ambisyon, kagaya din ng gobyerno, nahati ang asosasyon. Nang dahil dito, nagkakagulo gulo na! para ng hinalong kalamay! kanya kanya panong makakagulang. Honga, pare-parehong nag hahanap buhay, pero dahil sa interest ng iilan, natuto ang iba kung pano sila hindi matatapakan. hay... parang gobyerno, laging nag sasapawan.... Ganito na nga ata ang sitwasyon pag naghihirap ang karamihan lalot na may kumakalam na sikmura. ay nakakalungkot talaga:(
       

       
                   
                              

    Friday, January 13, 2006

                        
                

        Bahay bahayan- Luto lutuan...     

                 
     

         


    hehehe... naalala ko nun bata pa ako kasama ang mga pinsan ko at kababata. naglalaro kami ng bahay-bahayan at luto-lutuan. Siguro ito din ang rason kung bakit mahilig din ako magluto hanggang ngayon at isa kung bakit nahilig ako sa pamumundok. hehhehe...

    ala lang...
       

       
                   
                              

    Monday, January 02, 2006

                        
                

        Panibagong Taon! 2006     

                 
     

         

    Lumipas na ang taon 2005, tapos na din ang mapapait at masasayang nakaraan sa nagdaang taon. Isang ala ala na naka kahon, pedeng silipin, balikan at gunitain. Sa mga nakainuman, sa datihan ng kasama, sa mga bago kong nakilala, natalisod, nabiro, naasar, napikon, napatawa, napaligaya, natulungan, pinag kakautangan, kapamilya, kamag anak, pinamahal, sa nag mamahal at sa manlilikha na walang sawang humahabi ng iba ibang pang yayari kada taon, naway isang maganda, masagana at matahimik ngayon dalawang libo't anim na taon!!!