Parang gobyerno
Natatawa ako at naiinis, kung bakit kasi, ganito po yan. Membro kasi ang van namin sa isang samahan ng sasakyan na bumabyahe ng molino, bacoor to alabang via daang hari. minsan naman pag may pagkakataon e may umaarkila din nito. Pero kolorum po sya, lahat ng bumabagtas sa daang hari na public transport e kolorum. ala pa kasing nabibigayna ng linya dito.
Mula sa amin (Springvil Molino) 15 gang 20 minuto, nasa Alabang ka na! ang galeng ano po. Ang grupong kinabibilangan ko ang syang nagpasimula ng byahe dito. Ito kasi ang pinakamabilis na daan patungong alabang. Kagaya ng gobyerno, nun una daw maayos ang pamamlakad palibhasay lahat ay kumikita. alang nag guguglungan at alang mapagsamantala. At nangdahil siguro sa pera at ambisyon, kagaya din ng gobyerno, nahati ang asosasyon. Nang dahil dito, nagkakagulo gulo na! para ng hinalong kalamay! kanya kanya panong makakagulang. Honga, pare-parehong nag hahanap buhay, pero dahil sa interest ng iilan, natuto ang iba kung pano sila hindi matatapakan. hay... parang gobyerno, laging nag sasapawan.... Ganito na nga ata ang sitwasyon pag naghihirap ang karamihan lalot na may kumakalam na sikmura. ay nakakalungkot talaga:(
4 Comments:
Hi Deng, haha..parang gobyerno nga! Haay gobyerno sa pinas, ano kaya kong ikaw ang maging presidente hehe..
Ganda ng header mo ah, parang gobyerno din anoh? astig!
Batangenyo ka pala, ala lang bigla ko lang napag isipan ang balisong eh,..
Teka, salamat baga sa pag daan mo dun sa hybolz ko!
Happy weekend!
nakakalungkot ngang isipin yan deng, iyan na talaga yata ang sakit ng ibang pinoy. kahit dito, uso din yan, pero mas masakit dito kasi kapwa kababayan mo din ang humihila sayo paibaba imbes na magtulungan kayo dahil pareho kayong dayuhan sa bansang pinagta-trabahuan.
sayang ang diwa ng bayanihan. nagtutulungan mga magkakapit bahay at mahusay na pakikipagkapwa tao kahit walang kapalit na materyal na bagay.
siguro nga sa materyalistikong takbo ng ating mundo ngayon mas mahalaga na sa ibang tao ang magkamal sila ng salapi kaysa isipin ang kabutihan ng nakakarami, kahit na masagasaan nila ang mga kasama, mali man o tama sila, basta mahalaga nagkakapera sila.
kung magtutulungan lamang at hindi magsusuwapangan lahat naman siguro ay makikinabang. sa mga suwitik na nahawahan na ng ating mga buwayang politiko sana matauhan kayo na baka sa sobrang panlalamang ninyo at pagkanya-kanya lalo kayong walang abuting biyaya. KARMA
Hi ethel, honga nag enjoy ako sa pagpasyal sa bahay mo. hihiih maluwag, alang gwardya na nag iinspikyon ng bag. hahhaha
ay uu, pag minsan ikaw ay maligaw sa cuenca, tek mo ko minsan ako ay naanduon. ipapasyal kita sa mga luntian tanawin khit kapiraso. atlis duon tahimik, alang mapanghamak, mapanlamang, sariwang hangin at mga ibon ang kakausapin natin! hehhehe
hello momy Lei!
medyo malalim na ang pinag ugatan ng lahat. at sa bawat puso ng indibidual na pinoy ang tanging lunas na nakikita ko para sa pag babago. Isang taos at walang halong kabuktuttan, pang aapi o kasamaan sa puso ang syang mag papalaya sa problema ng mga pinoy.
K atoy! kape ka muna.. hahaha
gaya ng nasabi ko.. mukhang nasa indibidwal ang sulosyon...
ang ganda ng tanawin sa inyo ka atoy!! hehhe
Post a Comment
<< Home