E ano nman.. may pakialam ba kami dyan??.. pano nga naman yun, may magagawa ba ako, o kahit tayo?
Pilitin man natin isubo kung ayaw nilang namnamin di nila ito lulunukin. Mapait, mapakla.. alang kasing hapdi kagaya ng isang sugat ang nararamdaman nya. Di pinapansin, basta sisimsimin nila ang ganda mo ng walang pakundangan.
E ano naman.. Di naman kami apektado eh.. so? sabi ng matatanda... eto ang kanilang naging kanlungan.. naging buhay at bumuhay..dito sila umaasa.. kaunting malaskit lang naman ang nais nya, ala din naman siguro syang pakiaalam sa ngayon, ang mahalaga wag nman syang sobrang abusuhin.. pero minsan nga manahid ang nakapaligid sa iyo.. di nararamdaman bagamat nakakatamasa ng katiwasayan.... saan pa man may araw din kayo...
E ano naman... ala naman kaming ginagawa.. kayo ang pasimuno, kayo ang umareglo!!! honga naman, bakit sa kanila ang sisi, sino nga ba nagpasimula? pero sinimulang naman ng aayos at maganda.. sa pag dami nang nag naiis, nakaligtaan may umaabuso at ito'y pinabayaan nyo! sino bang taga rito?? mababangayan na lamang ba tayo? mag tuturuan? ang hinihingi nya ay pagmamahal..pangangalaga at kalinga.. gaya ng isang paslit na musmos..
E ano naman... nakuha ko na ang punto mo.. ngayon naiintindihan ko na kung bakit ka ganyan.. sa kakasagot ko sa kakaangil mo.. nagkasundo din tayo... naway maging masaya siya sa hakbang ating gagawin.. bukas bago sumikat ang araw, tayoy gagaod.. tulong tulong para sa kanya.. sa muling pagbangon nya, bago mag dapit hapon.. kanyang sigla ay ating makikita..... kung makapagsasalita lamang sya, mamumutawi at masasambit nya sa atin,,, kaibigan... salamat