E ano naman...
E ano nman.. may pakialam ba kami dyan??.. pano nga naman yun, may magagawa ba ako, o kahit tayo?
Pilitin man natin isubo kung ayaw nilang namnamin di nila ito lulunukin. Mapait, mapakla.. alang kasing hapdi kagaya ng isang sugat ang nararamdaman nya. Di pinapansin, basta sisimsimin nila ang ganda mo ng walang pakundangan.
E ano naman.. Di naman kami apektado eh.. so? sabi ng matatanda... eto ang kanilang naging kanlungan.. naging buhay at bumuhay..dito sila umaasa.. kaunting malaskit lang naman ang nais nya, ala din naman siguro syang pakiaalam sa ngayon, ang mahalaga wag nman syang sobrang abusuhin.. pero minsan nga manahid ang nakapaligid sa iyo.. di nararamdaman bagamat nakakatamasa ng katiwasayan.... saan pa man may araw din kayo...
E ano naman... ala naman kaming ginagawa.. kayo ang pasimuno, kayo ang umareglo!!! honga naman, bakit sa kanila ang sisi, sino nga ba nagpasimula? pero sinimulang naman ng aayos at maganda.. sa pag dami nang nag naiis, nakaligtaan may umaabuso at ito'y pinabayaan nyo! sino bang taga rito?? mababangayan na lamang ba tayo? mag tuturuan? ang hinihingi nya ay pagmamahal..pangangalaga at kalinga.. gaya ng isang paslit na musmos..
E ano naman... nakuha ko na ang punto mo.. ngayon naiintindihan ko na kung bakit ka ganyan.. sa kakasagot ko sa kakaangil mo.. nagkasundo din tayo... naway maging masaya siya sa hakbang ating gagawin.. bukas bago sumikat ang araw, tayoy gagaod.. tulong tulong para sa kanya.. sa muling pagbangon nya, bago mag dapit hapon.. kanyang sigla ay ating makikita..... kung makapagsasalita lamang sya, mamumutawi at masasambit nya sa atin,,, kaibigan... salamat
2 Comments:
ala ka gang job ngayon deng? yan ang hirap sa atin, maraming tao walang trabaho mapasukan. kaya maraming tao nakapit kahit sa patalim.
wala ga diyang mga ecotourism na kumpanya. di ga pwede kang mountain guide. bakit di mo kaya subukang magumpisa ng ganyang negosyo. dine kasi uso ang ecotourism. kahit ikaw lang muna makipagusap sa mga travel agency baka may mga turistang nais mag-mountaineering.kung ako ay nan jan pwede natin sigurong raket yon.
kabayan.. ganun na nga ang isang sideline ko ngayon.. nag pa-package ako ng climb at yun gusto mag tour.. hirap talaga dito. matagal na ang ecotourism dito ang masaklap lang eh di nman masyado talaga nila na praktis... medyo kulang ako sa mga kliyente, di madalas meron lalo na ngayon tag ulan dito.. may van pa akong pang swervice sa mga nag nais mag tour. abay pag may mga kaibigan ka dyang mamasyal dito sa atin pede mo ko i refer at ipiakita sa kanila yun ganda ng atin at matatawag na sarili. kumusta na ga?
Post a Comment
<< Home