Panglao
bakit minsan kelangan dumaan tayo sa pamamanglao? isang panglao na hirap na hirap ka?
potah ewan! may araw ka rin!
shet!
bakit minsan kelangan dumaan tayo sa pamamanglao? isang panglao na hirap na hirap ka?
1998 ata ang unang tungtong ko sa bubungan ng luzon, at simula nuon, nagpabalik balik na ako dito. Sa pagkakataon ito, naka 6 na akong summit para sa taon pa lang! hahaha nakakatuwa.
Matagal na akong nag-iisip kung pano ko gagawin ang mga bagay na sa tingin makakatulong para mapaunlad ko pa ang mga susunod kong araw. Kung kelan ako nag ka anak, saka naman ako walang permanenteng trabaho. Potah! parang lalong lumabo diba? so mas kelangan kong pag igihin na hanggang ngayon ay talagang kulang pa (baka tamad lang ako hahaha) Ngayon umaandar ang oras ko ay lalo akong napaaisip at minsan nakakapatulala na lang. Daming bagay na ikukunsidera, un pang kayod (baka kasi maupod na eh), si Cymone (pano ko kaya sya palalakihin e maliit lang naman ako), halos araw-araw na lang ang kaso bumibigat at nakakaramadam na ko na di ata ako masaya. bakit? Sige palit tayo ng sitwasyon!! hahahaha. . .
Lahat daw ng bagay ay may umpisa at katapusan. May mga bagay na para sa karamihan ay di katanggap-tanggap pero ito'y persepsyon nila na dumating sa punto na pangkalahatang dapat daw tangapin ng lipunan. Teka ganun ba talaga yun? ano namang kinalaman nila dun? e kung yun problema nyang personal di pa nga masulusyunan, pakikialaman pa ba nya yun sa iba. hahaha. . .