Tunay na Kulay
Matagal na akong nag-iisip kung pano ko gagawin ang mga bagay na sa tingin makakatulong para mapaunlad ko pa ang mga susunod kong araw. Kung kelan ako nag ka anak, saka naman ako walang permanenteng trabaho. Potah! parang lalong lumabo diba? so mas kelangan kong pag igihin na hanggang ngayon ay talagang kulang pa (baka tamad lang ako hahaha) Ngayon umaandar ang oras ko ay lalo akong napaaisip at minsan nakakapatulala na lang. Daming bagay na ikukunsidera, un pang kayod (baka kasi maupod na eh), si Cymone (pano ko kaya sya palalakihin e maliit lang naman ako), halos araw-araw na lang ang kaso bumibigat at nakakaramadam na ko na di ata ako masaya. bakit? Sige palit tayo ng sitwasyon!! hahahaha. . .
kumapit lang daw ako kay Jah at magtiwala, wag mawalan ng kontrol at baka sumemplang akong parang turumpo. Nasa katanghaliang tapat na daw ako e ano naman? kahit pa nasa dapit hapon na ako gusto ko pa rin magampanan yun sa tingin ko nararapat at para sa huling takip silim bago pa umtim ay may ngiti ako masasaling. hay. . .
0 Comments:
Post a Comment
<< Home