direksyon
30 na ako ngayon, nun maliit pa ko, kahit gang ngayon di pa ko lumalaki, napakasayahin kong bata at magiliw, makulit pero mahiyain lalo na sa ibang tao. umiikot ang mundo ko duon sa probinsya namin. Duon na ako nag ka isip, madalas nga kasama pa ko ng mamay ko sa bundok ng maculot para kuha ng panggatong. paglipas ng ilang taon nalipat ako sa maynila. wala naman pa nman nabago sa akin kundi ang namamangha sa mga bagay bagay. Kalaunan nasanay na din ako. Pagtungtong ko ng hayskul kung ano ano na ang natutunan ko sa mapangahas na syudad. Masakit sa ulo kasi naging sakit ako sa ulo ng magulang ko. Kinain na ko ng negatibong sistema ng syudad, kasalanan ko kasi nagpadala ako sa agos naging mahina ako. Nun malaman kong may bahay na kami sa karatig ng syudad ako na mismo ang nagpumilit na makalipat. Duon tumahimik ang buhay ko pinilit lagyan ng direksyon ang lahat. Pero ngayon, siguro nasa kalahati ng ko ng buhay ko eparang nawawala nanaman ng direksyon ang lahat. Nakakaramdam ako ng kalungkutan di ako nagiging masaya sa tinatakbo ng buhay ko. Pilit ko itong inilalagay sa mga guhit pero parang umayon ng mga pagkakataon. ano bang gusto ko at bakit ang gulo gulo ko? minsan lang ako nakaramdam ng kaligyahan tpossaglit lang itong nawala. hay. . . naway maingmaayos naman ang lahat kasi mahirap din kung may sakit ako sa puso malamang na tigok na ko.