direksyon
30 na ako ngayon, nun maliit pa ko, kahit gang ngayon di pa ko lumalaki, napakasayahin kong bata at magiliw, makulit pero mahiyain lalo na sa ibang tao. umiikot ang mundo ko duon sa probinsya namin. Duon na ako nag ka isip, madalas nga kasama pa ko ng mamay ko sa bundok ng maculot para kuha ng panggatong. paglipas ng ilang taon nalipat ako sa maynila. wala naman pa nman nabago sa akin kundi ang namamangha sa mga bagay bagay. Kalaunan nasanay na din ako. Pagtungtong ko ng hayskul kung ano ano na ang natutunan ko sa mapangahas na syudad. Masakit sa ulo kasi naging sakit ako sa ulo ng magulang ko. Kinain na ko ng negatibong sistema ng syudad, kasalanan ko kasi nagpadala ako sa agos naging mahina ako. Nun malaman kong may bahay na kami sa karatig ng syudad ako na mismo ang nagpumilit na makalipat. Duon tumahimik ang buhay ko pinilit lagyan ng direksyon ang lahat. Pero ngayon, siguro nasa kalahati ng ko ng buhay ko eparang nawawala nanaman ng direksyon ang lahat. Nakakaramdam ako ng kalungkutan di ako nagiging masaya sa tinatakbo ng buhay ko. Pilit ko itong inilalagay sa mga guhit pero parang umayon ng mga pagkakataon. ano bang gusto ko at bakit ang gulo gulo ko? minsan lang ako nakaramdam ng kaligyahan tpossaglit lang itong nawala. hay. . . naway maingmaayos naman ang lahat kasi mahirap din kung may sakit ako sa puso malamang na tigok na ko.
9 Comments:
Insan dumadaan ka lang marahil sa mid-life crisis. Minsan talaga parang walang saysay ang mga pagod at mga ginagawa natin, pero para saan pa at naging dugong batangueno tyo.
Ay tinamaan ng lintek!!! Maalon man at umulan alam kong makakarating ka din ng maayos sa pampang. H
Hindi matatawaran ang mga katangian mo Insan. Si Deng pa!!!!Pagpalain ka at ang buo mong sambahayan!!!
hahaha hinagpis lang yan ng negatibong pagkakataon. hayaan mo susulat ako ng positibong pagkakataon. minsan lang kasi pag nag iisa na kokung ano ano ang naiisip ko
Sayang gusto ko sana sumama sa Pulag mo kaso Nov 3 ang alis ko. Bukas baka dayhike ako sa Batulao pag hindi umulan. Salamat sa pagmulat ng mata ko sa pag-akyat.Pagpalain!!
nov 3 panman pala eh! makakabalik naman agd before nov 3.
sama na!! di pa tayo nagkasama sa climb eh! duon sa tuktok ng pulag, ihubig natin yun mga kwentong minsan nagpaligaya sa as atin. so bago ka umalis may baon kang alaala na di kayang basta tumbasan ng kahit anuman
Nagpaalam ako kay misis, matigas ang pagkakahindi tiklop ako. Pero kunin ko sa hilot sa phone.hehehe. Oct. 17 pa naman ang pre-climb diba? subukan natin..
nakagpapaalm ka na palaeh atlease alam nya kung asan ka diba nde yun nakainong kwarto ka! hahaha
ayus na yan. tek mo ko agad bka kc mapuno yun slot perokung mag confirm ka ngayon, oks k na. climb lang di k pa pagbigyan, potah di pede yun!!!
ganyan ga po talaga ang nagkakaedad? nakow... ay kailangan ko na din yatang paghandaan ang ganyang sitwasyon... lol... malapit n din ako tumanda... amf...
more power sa lahat ng batanggeyong blogger sa buong mundo!
ayuz ka na ga? tagal na rin nating di nabarek ah. Barek tayo minsan...
Post a Comment
<< Home