kaarawan ko nanaman!!
Isang taon nanaman ang nagdaan at parang kay bilis, kaarawan ko nanaman. Habang tinitipa ko ang pang dalawampu't pito taong pamamalagi ko sa mundong akin ginagalawan ay sumasariwa akin ang panahon na nag daaan. Ang mga masasaya at nakakalungkot na naganap.
Ako'y nagpapasalamat sa ating manlilikha, sa mga bagay na ating ginagalawan, nakakasalamuha, maging dating kaibigan o mga baguhan, mga kapatid, magulang o kamag anak man. Silang naging parte ng aking buhay at yaon di ko na nakakasama nawa'y minsan makadaupang palad. Sa pag ikot ng mga baso, mga halakhak na makaubos hininga at tila baga walang umagang naghihintay. Ang pagbaybay sa kabundukan, pagtawid sa ka-ilugan, mga hayop, ibon, katutubo at sa mga taong tumangap sa akin. marami pong salamat!
Larawang kuha patungo sa Mountain Province
1 Comments:
Andaya! u mean, u were about to celebrate ur bday when i was there?! have i known it, then i would have made an effort go out of QC to meet u hehehe kaya ba di mo sinabi, dahil takot kang palilibre ako sa yo? hehehe sayang, sana sinabi mo ng nadalhan kita ng durian! =)
Post a Comment
<< Home