<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12525814\x26blogName\x3dang+mundo+sa+paligid+ni+deng\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://dengdunicio.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://dengdunicio.blogspot.com/\x26vt\x3d5368853665116944295', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
 
 
 
  

ABOUT

          Mahilig sa outdoor, pala-kaibigan, mountain guide, umiinom pero di mangi-nginom, mahilig mag explore, laki sa probinsya at ahh.. hmmm.. ano pa ba? pagnakita na lang tayo kwentuhan tayo! heheh...  

ARCHIVES

         
  • May 2005
  •         
  • June 2005
  •         
  • July 2005
  •         
  • August 2005
  •         
  • September 2005
  •         
  • October 2005
  •         
  • November 2005
  •         
  • December 2005
  •         
  • January 2006
  •         
  • February 2006
  •         
  • March 2006
  •         
  • April 2006
  •         
  • May 2006
  •         
  • June 2006
  •         
  • July 2006
  •         
  • September 2006
  •         
  • October 2006
  •         
  • December 2006
  •         
  • February 2007
  •         
  • April 2007
  •         
  • May 2007
  •         
  • June 2007
  •         
  • July 2007
  •         
  • August 2007
  •         
  • October 2007
  •         
  • December 2007
  •         
  • January 2008
  •         
  • April 2008
  •         
  • May 2008
  •         
  • June 2008
  •         
  • July 2008
  •         
  • August 2008
  •         
  • September 2008
  •         
  • November 2008
  •         
  • December 2008
  •         
  • February 2009
  •         
  • March 2009
  •         
  • April 2009
  •         
  • June 2009
  •         
  • July 2009
  •         
  • October 2009
  •         
  • November 2009
  •         
  • December 2009
  •         
  • January 2010
  •   

      

    LINKS

      Apol  
             dito ga sa amin  
            D' Happy Campers!!!  
            bebengski  
            Umbro       
            Ivan Ulrich  
      Pansitan   
            Sweetlady  
     Batangenyo ka ga?       
            Tina Galido       
      Giz       
      Ka Atoy       
      My Baby    
            Sorbetera    
            Hardcore Arci! hehehe    
      Leng       
      
               

    Shout Box

     

        

     

    Sunday, August 28, 2005

                        
                

        Pano ko magkakawork?     

                 
     

         

    Nakasubscribe ako sa jobstreet at halos araw araw may mga opening na ipinadadala sa in box ko. Pero bakit ganun, parang may deskriminasyon pagdating sa requirement?

    Kagaya nito


    For Trust Department

    MARKETING OFFICERS (TRUST-MO)

    Requirements:

    • Graduate from a reputable university
    • At least 3 years supervisory experience in trust operations and marketing of trust products/accounts
    • Must be a graduate of Trust Operations course from the Trust Institute of the Philippines and has existing portfolio of clients
    • Must be conversant in Chinese
    • Not over 35 years old
    Pano kaya kung kaya mo yun work or qualified ka nga pero di ka nman galing dun sa eskwelahan na gusto nila? Dapat nga ata bilang na lang sa mga dalari natin ang iskwelahan para sigurado kahit mamili sila ng iskwelahan, sigurado pasok na dun sa isang requirement.

    hay....
       

       
                   
                              

    Thursday, August 18, 2005

                        
                

        Ang pagtakbo, napagod ako     

                 
     

         

    Matagal na akong umaakyat ng bundok, nuon at kadalasan palibhasay bata at malakas ang katawan, di na ako tumatakbo o bihira kong gawin bago dumating ang araw ng aking akayat. Kung baga, yun pag-akayat ko na ang aking ensayo. "may kayabangan din" hehhe.. Subalit napansin ko na pagmatagal na akong alang akyat eh masmadalas akong matampalay at mabigat ang katawan. Para bagang hinahanap hanap ng aking katawan ang pawisan ng husto! gumana ang mga laman at ng ang dugo ay tumakbo!

    Hu! hirap akong gumising ng maaga, sa gabi naman tinatamad na akong tumakbo kasi ala akong kasama baka mapagtripan pa ako ng mga adiktus. Pero kelangan ko ng tumakbo!!! kasi naghihina ang katawan ko.. huhuhhu.. hangang nun martes ng hapon, desidido na akong tumakbo sa dating ruta ko. Kadalasan, mga 25 to 30 mins ang ginugugol ko sa rutang ito. Ang tantsa ko kulang kulang 4 na kilometro (sa nagmamarathon lam ko mabagal ito, bhelat) ang haba nito. waaa.. pagod na ko lakad naman... Nakow! nakailan pahinga ako bago ko natapos ang ruta. Sakto 54 mins lahat.. hangtagallllll.... hehehehehe...

    Napagod ako dun ah! pero masaya ako, nabigay ko ang hilig ng katawan ko, ang pawisan ng husto o ehersisyo. Kung tutuusin, eto naman talaga dapat ang gawin ng kahit sinong indibidual, ang mag ehersisyo. Para laging aktibo ang katawan, di tamlayin, malakas at aktibo.

    Kinabuksan, eto na, inaasahan kong masakit ang aking katawan ngunit higit pa duon! pakiramdam ko matutumba ako. Ibang iba ang aking pakiramdam. Siguradong nasobrahan ako sa aking ginawa at akala ko ay lalagnatin ako. Grabe! kaya dapat di binibigla at dapat din regular ko na itong gawin. hay.. kapagod talaga...... ang tumipa sa keyboard. hehhehe

    ayus!
       

       
                   
                              

    Monday, August 01, 2005

                        
                

        Si ka bojie... kaarawan nya at bilang siya     

                 
     

         





    July 30, 2005
    ehhehe... hapi bertdey kuya bojie!!!

    sabi ko "ay pano naman ang mga taong ganito at ganyan...?" ka Bojie " okay! granted sila ay ganito at ganyan!" hehhee umaatikabong palitan ng kuro-kuro kaming dalawa ni kuya Bojie sa bahay ni Kevin. Suma tutal, lashing kaming 3. isang gabing puno ng ngiti, tawa, debate, red horse at inihaw na hito. Ay sino ga si kuya Bojie at ano naman kinalaman nun sa akin?

    Si kuya Bojie? kasabihan na "kalabaw lang ang tumatanda!" sa edad na 46 ay bilib ako sa kanya. Isang guro, kaibigan, masayahing tao, potograper, kasama sa pag lalakbay, kapupulutan ng aral, dancen din at masarap mag luto ng pulutan. Member ng ADUMS (Adamson Mountaineer), nakilala ko sya sa kaibigan kong si Kevin na nakilala ko sa pinsan kong si Michael na miyembro din nila (kevin at mike, saka na un blog ko sa inyo ha!) Ang taong malakas umakyat ng bundok ngunit lampa (pede ba ito, pinuri ko tapos ilalaglag ko din? hihihihih)

    Sabado ng gabi nagkitakita kaming 3 nila Kevin sa Market Market. Pag dating ko dun sa Fountain (dito ang tagpuan) tiningnan ko muna ito at un mga bata na kasama ang mga magulang nila at naglalaro sa tubig ng fountain. hehehhe naaliw din ako kahit saglit. Naglakad ako nag palinga linga, nakita ko silang dalawa at ako ay natuwa sa muling makita si ka Bojie! "kuya Bojie! ayus suot natin ahh, Grease gun gang ang dating (naka levis, chuck taylor at naka tuck in na t-shirt) yun low waist gang nun araw na sumikat sa maynila na grupo. hehheheh.. "ka Dune! (ang itinawag nya sa akin)" muliy sumagot ako " kumusta ga? isponghadong pa ang buhok natin eh1 at may gel pa!" "ay hapi bertdey! kahit huli na" ngumiti at akoy biniro na ako na lang daw ang mag painom. hehhehe at kamiy nag lakad patungo sa bahay nila Kevin.

    Bago kami nakarating sa bahay nila Kevin, bumili muna kami ng pulutan, inihaw na hito at salmon daw. Pag katapos bumili kami ng Red Horse, NATURAL! bertdey eh alangan nman gin nanaman! So hehhehe so ayun nasa tore na ulet kami ng bahay ni kevin na kung saan dito madalas mabuo ang mga munting pangarap at kahit pangarap lang namin ni kevin. hehehhehe...

    Kumustahan agad! habang nilalagok ang malamig na serbesa. Napag alaman ko na si kuya Bojie ay lagi palang na-andito sa maynila kapag araw ng sabado. Siya pala ay nag enroll ulet ng kanyang masteral! ano??? bakit mo naman naisipan? sumagot sya " ibig ko kasing tapusin at ako ngayon ay sinisipag ulit mag aral kaya ako ay nag enroll ulet after 10 years" nyahahahaha... bilib din ako sa determinasyon ng mamang ito na kaibigan ko at ni kevin ng pinsan ko. dahil siya ay sinisipag ulet mag aral, kaya gusto nyang tapusin ang masteral matapos ang sampung taon! malupet! kung baga sa batangas "ay kahusay!"

    Hala sige barik pa! mamaya ay tayo'y uuwi pa! hehehehe napunta sa hito ang usapan, ang sarap! si kevin naman ay hindi kumakain nito. Di raw angkop sa panlasa nya ang tekstura ng hito. sabi ni kuya bojie, "a-re nga ay masarap lalo na at galing sa sementeryo!" hehheehhe at nagpaliwanag sya ukol sa hito, kung anong katangian meron sya. hehehhe gulf gulf gulf ulit!!!! Maya maya nabaling ang usapan sa karera hangang napunta sa kalagayan ulet ng bansa! heheh ang cujuanco, san miguel, mga sakada ng iloilo, magsasaka ng hacienda luisita, hacienda looc at ang gobyerno natin! hehehhe

    Umaatikabong palitan ng kuro kuro, ideya, suhestiyon at batikus ang inani namin ni ka bojie sa isat isa! habang si Kevin naman ay "Bahala kayong dalawa diyan!" hehehehehe... sa kabila ng mahabang pag tatalo, may mga aral akong nakuha ulet kay kuya Bojie ang pag lalahad nya ng panig nya ay nagign sukatan ko lalo na kung sino sya at anong karakter meron sya. Pinabibilib muli ako ni ka Bojie di lang sa pag akayat o kalaaman sa bundok bagkus sa kabuuan nya. Ang pag timbang sa kapaligiran, kinatatayuan natin, at marami pang bagay!
    Image hosted by Photobucket.com
    kaya nga a-re ay isa sa masarap kasama sa bundok eh! masarap pang magluto ng pulutan!! heheh ayus ga?? sabay gay-un eh