Si ka bojie... kaarawan nya at bilang siya
July 30, 2005
ehhehe... hapi bertdey kuya bojie!!!
sabi ko "ay pano naman ang mga taong ganito at ganyan...?" ka Bojie " okay! granted sila ay ganito at ganyan!" hehhee umaatikabong palitan ng kuro-kuro kaming dalawa ni kuya Bojie sa bahay ni Kevin. Suma tutal, lashing kaming 3. isang gabing puno ng ngiti, tawa, debate, red horse at inihaw na hito. Ay sino ga si kuya Bojie at ano naman kinalaman nun sa akin?
Si kuya Bojie? kasabihan na "kalabaw lang ang tumatanda!" sa edad na 46 ay bilib ako sa kanya. Isang guro, kaibigan, masayahing tao, potograper, kasama sa pag lalakbay, kapupulutan ng aral, dancen din at masarap mag luto ng pulutan. Member ng ADUMS (Adamson Mountaineer), nakilala ko sya sa kaibigan kong si Kevin na nakilala ko sa pinsan kong si Michael na miyembro din nila (kevin at mike, saka na un blog ko sa inyo ha!) Ang taong malakas umakyat ng bundok ngunit lampa (pede ba ito, pinuri ko tapos ilalaglag ko din? hihihihih)
Sabado ng gabi nagkitakita kaming 3 nila Kevin sa Market Market. Pag dating ko dun sa Fountain (dito ang tagpuan) tiningnan ko muna ito at un mga bata na kasama ang mga magulang nila at naglalaro sa tubig ng fountain. hehehhe naaliw din ako kahit saglit. Naglakad ako nag palinga linga, nakita ko silang dalawa at ako ay natuwa sa muling makita si ka Bojie! "kuya Bojie! ayus suot natin ahh, Grease gun gang ang dating (naka levis, chuck taylor at naka tuck in na t-shirt) yun low waist gang nun araw na sumikat sa maynila na grupo. hehheheh.. "ka Dune! (ang itinawag nya sa akin)" muliy sumagot ako " kumusta ga? isponghadong pa ang buhok natin eh1 at may gel pa!" "ay hapi bertdey! kahit huli na" ngumiti at akoy biniro na ako na lang daw ang mag painom. hehhehe at kamiy nag lakad patungo sa bahay nila Kevin.
Bago kami nakarating sa bahay nila Kevin, bumili muna kami ng pulutan, inihaw na hito at salmon daw. Pag katapos bumili kami ng Red Horse, NATURAL! bertdey eh alangan nman gin nanaman! So hehhehe so ayun nasa tore na ulet kami ng bahay ni kevin na kung saan dito madalas mabuo ang mga munting pangarap at kahit pangarap lang namin ni kevin. hehehhehe...
Kumustahan agad! habang nilalagok ang malamig na serbesa. Napag alaman ko na si kuya Bojie ay lagi palang na-andito sa maynila kapag araw ng sabado. Siya pala ay nag enroll ulet ng kanyang masteral! ano??? bakit mo naman naisipan? sumagot sya " ibig ko kasing tapusin at ako ngayon ay sinisipag ulit mag aral kaya ako ay nag enroll ulet after 10 years" nyahahahaha... bilib din ako sa determinasyon ng mamang ito na kaibigan ko at ni kevin ng pinsan ko. dahil siya ay sinisipag ulet mag aral, kaya gusto nyang tapusin ang masteral matapos ang sampung taon! malupet! kung baga sa batangas "ay kahusay!"
Hala sige barik pa! mamaya ay tayo'y uuwi pa! hehehehe napunta sa hito ang usapan, ang sarap! si kevin naman ay hindi kumakain nito. Di raw angkop sa panlasa nya ang tekstura ng hito. sabi ni kuya bojie, "a-re nga ay masarap lalo na at galing sa sementeryo!" hehheehhe at nagpaliwanag sya ukol sa hito, kung anong katangian meron sya. hehehhe gulf gulf gulf ulit!!!! Maya maya nabaling ang usapan sa karera hangang napunta sa kalagayan ulet ng bansa! heheh ang cujuanco, san miguel, mga sakada ng iloilo, magsasaka ng hacienda luisita, hacienda looc at ang gobyerno natin! hehehhe
Umaatikabong palitan ng kuro kuro, ideya, suhestiyon at batikus ang inani namin ni ka bojie sa isat isa! habang si Kevin naman ay "Bahala kayong dalawa diyan!" hehehehehe... sa kabila ng mahabang pag tatalo, may mga aral akong nakuha ulet kay kuya Bojie ang pag lalahad nya ng panig nya ay nagign sukatan ko lalo na kung sino sya at anong karakter meron sya. Pinabibilib muli ako ni ka Bojie di lang sa pag akayat o kalaaman sa bundok bagkus sa kabuuan nya. Ang pag timbang sa kapaligiran, kinatatayuan natin, at marami pang bagay!
kaya nga a-re ay isa sa masarap kasama sa bundok eh! masarap pang magluto ng pulutan!! heheh ayus ga?? sabay gay-un eh
4 Comments:
Ala, eh makiki-bati na rin kay Ka Bodjie. Happy beerday! Deng, ala gang barikan?
Tamang-tama ka pala dito sa New Zealand ang daming bundok dito at mga taong yan ang hilig mountaineering. Ang dami rin ritong mga tramping at walking trail ang ganda ng kalikasan dito. Ang kaunauhang nakaakyat ng Mt. Everest si sir Edmund Hillary ay taga rito at doon siya nagpraktis sa Mt. Cook mga ilang oras mula dito lugal namin
honga, kilala ko yan si pareng edmund! hehehhe.. galing dyan kamakailan ang tropa ng RP everest team! nag sanay sila dyan s mt cook! hay.. ganda dyan s lugar nyo eh! sana ako din makapasyal dyan para mag tramp!
yun kaibigan ko nga pala asking kung sa may Wellington ka daw. hehhe ala lang
Di ka ba mahilig mag tramp? maganda mag trail running dyan lalo cguro dun sa lord of the rings village! hehhehe
isabel,
ay kung barikan din laang madali nman yuon eh! bilog laang ang katapat! umiinom ka ga nuon? duon kc ako sanay sa nakasanayan eh! heheheh
Post a Comment
<< Home