<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12525814?origin\x3dhttp://dengdunicio.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
 
 
 
  

ABOUT

          Mahilig sa outdoor, pala-kaibigan, mountain guide, umiinom pero di mangi-nginom, mahilig mag explore, laki sa probinsya at ahh.. hmmm.. ano pa ba? pagnakita na lang tayo kwentuhan tayo! heheh...  

ARCHIVES

         
  • May 2005
  •         
  • June 2005
  •         
  • July 2005
  •         
  • August 2005
  •         
  • September 2005
  •         
  • October 2005
  •         
  • November 2005
  •         
  • December 2005
  •         
  • January 2006
  •         
  • February 2006
  •         
  • March 2006
  •         
  • April 2006
  •         
  • May 2006
  •         
  • June 2006
  •         
  • July 2006
  •         
  • September 2006
  •         
  • October 2006
  •         
  • December 2006
  •         
  • February 2007
  •         
  • April 2007
  •         
  • May 2007
  •         
  • June 2007
  •         
  • July 2007
  •         
  • August 2007
  •         
  • October 2007
  •         
  • December 2007
  •         
  • January 2008
  •         
  • April 2008
  •         
  • May 2008
  •         
  • June 2008
  •         
  • July 2008
  •         
  • August 2008
  •         
  • September 2008
  •         
  • November 2008
  •         
  • December 2008
  •         
  • February 2009
  •         
  • March 2009
  •         
  • April 2009
  •         
  • June 2009
  •         
  • July 2009
  •         
  • October 2009
  •         
  • November 2009
  •         
  • December 2009
  •         
  • January 2010
  •   

      

    LINKS

      Apol  
             dito ga sa amin  
            D' Happy Campers!!!  
            bebengski  
            Umbro       
            Ivan Ulrich  
      Pansitan   
            Sweetlady  
     Batangenyo ka ga?       
            Tina Galido       
      Giz       
      Ka Atoy       
      My Baby    
            Sorbetera    
            Hardcore Arci! hehehe    
      Leng       
      
               

    Shout Box

     

        

     

    Saturday, September 10, 2005

                        
                

        Ang paGpanhik sa Bubong ng Luzon     

                 
     

         






    Kung hindi ako nagkakamali, 2922 mts asl ang taas ng Mt Pulog. Pinakamataas sa Luzon at pang 3 sa buong pinas. Eto daw ang himlayan ng mga espiritu ng mga Ibaloi, kankanai at kalanguya at ni Apo Kabunian. Binubuo ng 3 bahagi, ang mga pine tree, pagkatapos ay mossy forrest at ang itaas ay grass land na ang mga damo ay draft bamboo at blue grass. Mararating eto 5 oras mula Baguio sa bayan ng Kabayan, Benguet. May malamig na temperatura sa buong taon at sa di pa nakaka-alam, pag Enero or Pebrero ay pede kang makakita ng yelo sa madaling araw. Ala! ay hindi nga malamig, patay patay laang ang rayuma! hehehheh..

    Mag aala dose ng tanghali, Setyembre 1, 2005, ng ang maiakyat ko ang 7 na nag pasama sa akin upang makarating sa bubong ng Luzon. Di naman sila nahirapan medyo nahuli lang sa mga oras na kung saan dapat masunod. Ito ang tuktok ng Mt. Pulog. Malamig ang palagid kahit tanghali, ngunit masakit sa balat pag tumama ang sikat ng araw. heheheh sunog ang balat ko. huhuuu. Ang pagpanhik dito ay di naman kahirapan o depende kung saan ruta ka dadaan, ngunit dapat may kaalaman ka sa pag akyat ng bundok. Mga dapat at di dapat ay bitbit mo. Sa itaas, matatanaw mo dito halos ang buong Benguet, Mtn Province (halsema hi way kitang kita) Ilokos, china sea, at ifugao. Kita nga ang cavite! ay kayabang ko! hehehe joke.

    Eto ang pang dalawang sampa ko sa taong ito sa Mt Pulog. Kahit na medyo apektado ng bagyo ang paligid kung kayat medyo makulimlim at nakanakang ulan, ay nagpasalamat pa din na kahit paano ay nakita nila ang ganda nito. Sa akin, Kakaibang ganda muli ang ipinamalas nya. Luntian berde ang nagpalas ng ganda at sinabayan pa ng mga puting bulaklak, para katuloy nasa ibang bansa, yun bangang "lord of the ring" ga ang titulo nuon? hehehhe...

    Ang isang ikinatuwa ko sa pagbalik dito e yun paglilibot ko sa Kabayan, Benguet. (sa baba ng Mt Pulog). Nakatawag ng pansin sa akin yun isang matandang Ibaloi. Inalok nya ako ng babasahin tungkol sa Mummy. Naalaliw ako para basahin ang tungkol sa pinagmulan nila at ng mga mummy. Ang higit na nagpaligaya sa akin e ng biglang may nagtanong "Were did you climbed, Mt Pulog?" sumagot ako "opo". Isang kagulat na eksena nangbiglang "Im the author of that book" Huh? Talaga? yahoooo.... So ayun, kahit di ko pa nababasa yun libro e nakipagwentuhan ako sandali. Isa din syang Ibaloi, tinanong ko sya kung ano propesyon nya. nagbiro pa ng sumagot ng "Gin" hehehe... lasengo siguro to! daliy binawi at siya daw ay historyan. Buong giliw akong pinapirmahan ang Libro.. hehhe Bakit ka nyo? sinulat nya yun Libro nun sya ay singkwenta na ang edad at ngayon sya ay 75 na. Wag naman sana at humaba pa ang buhay baka kasi sa muling pagbalik ko duon, kung kelan man yun e baka di ko sya makita o kya alam nyo na yun! hehhehhe... Alam nyo ba nun binasa ko yun libro e nalaman ko na dalawang beses pa lang naging mayor yun author!! hahaha tingnan mo nga naman. grabe ang tuwa ko..

    sa muling pagbabalik
       

       
                   
                      
                

    5 Comments:

               
                 
              At 9/12/2005,          Blogger RAY said...       
           
             

    Ang sarap naman ng mga happenings at adventure mo. Talagang high na high. Naakyat mo na ba ang Mt. Apo? Feeling Sir Edmund Hillary ka siguro pag nasa tuktok ka na wala ka bang dala bandila ng Batangas o Cuenca para ilagay mo sa pinakatuktok ng bundok? bilib ako sa iyo kabayan dala ka lang ng panghaplas at pag inabot ng rayuma baka hindi makababa ng bundok.

               
                   
              At 9/12/2005,          Blogger Deng's Outdoor World and Travel said...       
           
             

    Di pa po, mahal budget eh! heheh sponsoran mo ko? wehehehe...

    ala ngang bandila eh.. para papix ako dun sa itaas. sana nman di ako rayumahin balang araw! pag ikay napauwi akyat tyo minsan at duon tyoy babarik! weheheheh

               
                   
              At 9/26/2005,          Blogger Huseng Busabos said...       
           
             

    Napadaan lang po galing kay Atoy. Hilig ko rin ang mag hiking o "tramping" sabi nga nila sa NZ. Kaya lang nung nasa Pinas ako hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na umakyat ng bundok bukod doon sa Banahaw - iba pa ang purpose. Anyways, nice blog and link kita doon sa aking blog.

               
                   
              At 9/27/2005,          Blogger Deng's Outdoor World and Travel said...       
           
             

    ic, asan ka po b ngayon? sana pag ikaw ay na pauwi e makontak mo ko para maisama kita sa bundok at duon kitay mag barikan! ayus ga iyon?

               
                   
              At 9/27/2005,          Blogger RAY said...       
           
             

    deng,
    si huseng busabos ay taga canada dati siyang taga rit 7 years ago sa alberta.

               
                 
      

        Post a Comment   

          

     << Home