<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12525814\x26blogName\x3dang+mundo+sa+paligid+ni+deng\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://dengdunicio.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://dengdunicio.blogspot.com/\x26vt\x3d5368853665116944295', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
 
 
 
  

ABOUT

          Mahilig sa outdoor, pala-kaibigan, mountain guide, umiinom pero di mangi-nginom, mahilig mag explore, laki sa probinsya at ahh.. hmmm.. ano pa ba? pagnakita na lang tayo kwentuhan tayo! heheh...  

ARCHIVES

         
  • May 2005
  •         
  • June 2005
  •         
  • July 2005
  •         
  • August 2005
  •         
  • September 2005
  •         
  • October 2005
  •         
  • November 2005
  •         
  • December 2005
  •         
  • January 2006
  •         
  • February 2006
  •         
  • March 2006
  •         
  • April 2006
  •         
  • May 2006
  •         
  • June 2006
  •         
  • July 2006
  •         
  • September 2006
  •         
  • October 2006
  •         
  • December 2006
  •         
  • February 2007
  •         
  • April 2007
  •         
  • May 2007
  •         
  • June 2007
  •         
  • July 2007
  •         
  • August 2007
  •         
  • October 2007
  •         
  • December 2007
  •         
  • January 2008
  •         
  • April 2008
  •         
  • May 2008
  •         
  • June 2008
  •         
  • July 2008
  •         
  • August 2008
  •         
  • September 2008
  •         
  • November 2008
  •         
  • December 2008
  •         
  • February 2009
  •         
  • March 2009
  •         
  • April 2009
  •         
  • June 2009
  •         
  • July 2009
  •         
  • October 2009
  •         
  • November 2009
  •         
  • December 2009
  •         
  • January 2010
  •   

      

    LINKS

      Apol  
             dito ga sa amin  
            D' Happy Campers!!!  
            bebengski  
            Umbro       
            Ivan Ulrich  
      Pansitan   
            Sweetlady  
     Batangenyo ka ga?       
            Tina Galido       
      Giz       
      Ka Atoy       
      My Baby    
            Sorbetera    
            Hardcore Arci! hehehe    
      Leng       
      
               

    Shout Box

     

        

     

    Wednesday, October 26, 2005

                        
                

        May nilalaman.. totoo nga ba?     

                 
     

         

    ISTORYA NG PUTA (from radioactivesago project forum)

    hindi ko alam kung sino ang gumawa nito, pero astig!
    pakibasa na lang...

    tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw
    ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako
    daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa
    aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw,
    sariwa at makinis. Di ko nga
    alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang
    kinabukasan ko.Halika at makinig ka muna sa
    kwento ko.Alam mo, maraming lumapit sa akin,
    nagkagusto, naakit. Sikat ka sa lahat, virgin eh!
    Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila
    ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang
    na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon.
    Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa
    katawan ko, na-rape daw ako?

    Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli
    ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko
    ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko
    siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan
    yung mga sadistang Hapon at Kastilaloy. Kase,
    ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko
    sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya
    mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang
    mga naging anak ko.Parating ang dami naming
    regalo - may chocolates, yosi, at ano ka...
    may datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong
    ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako
    nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-
    Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
    Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang
    problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga
    lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama
    ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na
    sosyal kami.Ewan ko nga ba, akala ko
    napapamahal na ako sa kanya. Akala ko
    tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-
    unti niya akong pinapatay. P*** ng
    I**!
    Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan
    ko, muntik na akong malaspag. Ang daming
    nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na
    daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang
    animal pero ang hirap magsimula.Masyado na
    kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan
    namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa
    utang, kulang ata pati kaluluwa namin para
    ibayad sa mga inutang namin.

    Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay
    namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi
    ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe.Yung
    iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman
    silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok
    ako.Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na
    tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami
    ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at
    kayaman na itinatabi ko para sa punyetang
    kinabukasan naming lahat. Dumating ang
    panahon na di na kami halos makaahon sa hirap
    ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa
    ginhawa at sarap.

    Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang
    tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na
    malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng
    magiging kasama sa buhay sa mga ahas na
    ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga
    ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak
    kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na
    nais nilang matamasa.Wala na akong nagawa
    dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga
    anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko.
    Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko,
    basta maginhawa lang ang mga anak ko.

    Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May
    nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na
    kase ang isang magandang tulad ko.Alam mo,
    gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso
    ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa
    ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang
    mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder?
    Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-
    abroad kong mga anak. Hindi na importante
    kung laspagin man ang ganda ko, madama ko
    lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman
    nila na gagawin ko ang lahat para sa Sa tuwing
    titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin
    ako.Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan
    pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa
    salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na
    lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang
    gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag
    kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong
    gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila.
    Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman
    para sa akin.Sa dami ng mga anak ko, iilan lang
    ang may malasakit sa akin. May malasakit man,
    nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos
    lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto
    magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng
    pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili
    kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital
    ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay
    sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa
    salamin, ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko.
    Dadating na naman ang pasko, sana maalala
    naman ako ng mga anak ko. Ilang buwan pa,
    magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong
    darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang
    susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko.
    Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban
    naman nila ako. Gusto kong
    isigaw:
    "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

    Salamat ha, pinakinggan mo ako.
    Ay sorry, di ko pala nasabi pangalan ko.
    >
    >
    >
    PILIPINAS nga pala pangalan ko!
       

       
                   
                              

    Tuesday, October 25, 2005

                        
                

        Ngayon lam ko na ang Adventure Racing!!     

                 
     

         


    Nuong nakaraang sabado at linggo, ginanap ang isang umaatikabong adventure racing na sa batangas. Empre sumali ako dito, hehehhehe..Perstym kong sumali sa isang mahaba at umuusok na takbuhan, akayatan ng bundok, pagbaba sa mga bangin, pag langoy at iba pa. Binubuo ng apat na kalahok kada pangkat. Empre may kapitan, dahil ako daw ang matanda sa amin apat ngunit pinaka mahina sa takbuhan, ako ang kapitan! hehehe

    Nag umpisa ang paligsahan sa ganap na ika-8 ng umaga sa Lipa City Hall. Grabe ang init ng takbuhan, kanya kanyang tanungan kung saan makikita yun nakalagay sa clue na syang umpisa ng paligsahan. Ibang klase pala tong palakasan na ito, ubusan ng lakas. Kinakailangan ng matinding training, pokus, stamina, kalaman sa outdoor, mental at diskarte. Grabe! maaring dala ng exsaytment ko, na di ko na napansin yun isang clue na syang naging dahilan upang di nmain matapos ang laro. Ganun pa man, napatunayan ko na indi biro ang palakasan na ito bagkus kinakailangan tutukan ang kakayanan kung ikaw ay mahihilig dito.

    gang sa muling pag karera!!!
       

       
                   
                              

    Saturday, October 15, 2005

                        
                

        U-belt Traverse! hehhe     

                 
     

         




    Sinamahan ko kanina ang GF ko para mag exam dyan sa may Ramon Magsaysay Elem School. Dito nag umpisa ang munting adventure ko. Kasi naman gang tanghali sya mag eexam e anong gagawin ko, tumanga? So nag lakad lakad ako. Nag txt din ako kay kulas na kaibigan ko baka kasi nasa malapit lang sya upang magkita at di mabato, ngunit di nman pepede dahil nasa makati sya.

    Sa makatuwid nasa may UST na ako at nag iikot ikot. pinagmamasdan ang mga tao duon sa kanya kanayang gawain. may nakatunganga lang, nag babasket ball at may nag so-soccer pang mag isa! gaya ko nag iisa. hay... hehhe at akoy nag patuloy sa akin paglakad. Nakarating ako sa Morayta, empre, andito ang roots ko ang Far Eastern University. Di papala tapos ang FEU hospital, bising bisi ang mga worker nanakita ko. Tumigil ako sa gitna at kinuhanan ko ng litrato ang FEU. di ko na criticize ang FEU although matagal din akong naglagi sa unibersidad na ito.

    So tuloy ang munti kong paglalakad lakad. Muli, tumigil ako sa Unibersidad ng Silangan at kinuhanan ko din ng litrato. Balak ko kasi makarating ng mendiola baka may nag rarally pa duon makiki kuha lang ng litrato at titingnan ang kaganapan. Ibang iba na nga ang hitsura dito sa recto. Gumagana na din ang MRT na bumabagtas sa recto gang Cubao ata ito. Napahinto ako sa tapat ng san sebastian, kinuhanan ko ulet ng litrato ito. hangang makarating ako sa kanto, sa may Mendiola.

    Habang akoy nakatayo ay kumuha ako ng litrato. Naisip ko ang lugar na iyon, isang makasaysayan na lugar. madami na ding nag buwis ng buhay sa lugar na iyon. alala ko un rally ng byernes duon. binomba sila ng tubig isang malupit na dispersal ang pinakawalan na gang ngayon ata ay ala pang umaako kung sino ang nag utos. Isang kabalbalan na di nila alam? tsk tsk ang gobyerno nga nman minsan basta nasa kapangyarihan. hmmp!

    Naglakad na lang ulet ako pabalik, nakarating ako dito sa may Morayta at nakakita ng kumpyutershop. sa makatuwid dito na nagtataspos ang aking expedition traverse sa university belt. hehhehe 9:15am na, kailangan ko na ata mag lakad pabalik ng españa. gang sa muling paglalakbay!
       

       
                   
                                               
                

        Karera naman!!!     

                 
     

         

    Matagal tagal na din ang adventure racing dito sa Pinas, isang uri ng palakasan na nilalahukan ng ibat-ibang kaalaman at disiplina. Nariyan ang takbuhan, bisikleta, Orienteering, languyan, kayak, pababa sa tali o di kaya'y pagtawid at iba pa.

    Sa sabadong darating ay gaganapin sa Batangas ang isa pa ulit na adventure racing. Sa pagkakataong ito ay kasali ako hehehhe... Ito ang pangalawa kong pagsubok sa palakasang ito (hmm meron kaya ako nito?) mas mahaba at mas teknikal di gaya nun una kong nasalihan.





    Umaatikabong tatlumpu't walong oras na aksyon sa outdoor! (sana buhay pa ako nuon) ang gugulin para makumpleto ang ruta na iikot sa 3 bayan sa batangas. Napili ako ng grupo sa dahil taga batangas daw ako at ginawa pa akong
    team capt para representante ng TEAM IMX!

       

       
                   
                              

    Tuesday, October 11, 2005

                        
                

        Ang bundok ng Tapulao at pagal kong katawan     

                 
     

         



    Nuon nakaraang byernes, Oct. 7 tumulak ako sa olongapo para sa isang kliyente. May mga kaibigan ako duon ang Subic MC (ang iba dito ay batch ko sa MFPI). Nataon na may climb sila sa Mt Tapulao sa Zambales. Pagkakataon ko ulet umakyat. hehehhe... Bitbit ang backpack ko at mga dokumento patungong Olongapo. Pagkatapos sa kliyente, tinagpo ko na sila. Tumulak kami patungong Candelaria, Zambales. May isa silang membro na host para sa isang hapunan. duon kami nagpalipas ng gabi. Sa kasamaang palad, di ako nakatulog magdamag. namamahay ga ang tawag duon??

    Huh? umaga na! waaaaa... antok ako pero di pa din ako makatulog. Sa makatuwid kailangan na namin tumulak sa paanan ng mt Tapulao. Mataas ang bundok, dati daw itong minahan na isinara na. kaya yun trail nya ay isang malapad n daan. hehhehehe. Cge lakad sa init ng araw, para bagang ako'y isang kandila na nauupos sa init, sasabayan pa ng antok. Makalipas ang ilang oras, umulan naman, tpos uminit ulet! waaaaaa hirap na hirap na ako ahhh.. magkahalong antok at pagod ang dinanas ko. Sinabayan pa ng mababait na limatik na walang ginawa kundi ako'y kagatin. grrrrr....

    7am, 8, 9, 10, 11, 12, 1, 2, 3, 4, 5pm!!! sa wakas!! nakarating din! kasabay ng lamig, pagod at ulan! waaaaaa.... pag pasok ko sa tent, di na nila ako nakausap! bagsak ang mamay mo! hehehhehe

    11 ng gabi ng ako ay magising sa gutom! hehhehe cge kain at ng bukas ay may lakas (lakas? pagal na pagal pa din eh) Since ala ako makausap at gagawin, pinilit ko na lang ulet matulog. hehehhehe

    ting! umaga na! malamig para ka din na baguio kasi madaming pine tree. hehhehe...pagkatapos ng agahan. sibat na ulet pababa. Pero makwento ko sa inyo, nag enjoy naman ako kahit paano sa kakaibang ganda nya. Pwamis!!

    Hay kapagod din yun ginawa ko sa katawan ko kasi naman, alam kong mahaba yun lalakadin, di ako manlang nag jogging, idagdag mo pa dito na di ako nakatulog magdamag bago umakyat.

    hangang ngayon nga masakit pa din katawan ko eh. hihihi at pantal na kagat ng limatik! ayus!