<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12525814\x26blogName\x3dang+mundo+sa+paligid+ni+deng\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://dengdunicio.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://dengdunicio.blogspot.com/\x26vt\x3d5368853665116944295', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
 
 
 
  

ABOUT

          Mahilig sa outdoor, pala-kaibigan, mountain guide, umiinom pero di mangi-nginom, mahilig mag explore, laki sa probinsya at ahh.. hmmm.. ano pa ba? pagnakita na lang tayo kwentuhan tayo! heheh...  

ARCHIVES

         
  • May 2005
  •         
  • June 2005
  •         
  • July 2005
  •         
  • August 2005
  •         
  • September 2005
  •         
  • October 2005
  •         
  • November 2005
  •         
  • December 2005
  •         
  • January 2006
  •         
  • February 2006
  •         
  • March 2006
  •         
  • April 2006
  •         
  • May 2006
  •         
  • June 2006
  •         
  • July 2006
  •         
  • September 2006
  •         
  • October 2006
  •         
  • December 2006
  •         
  • February 2007
  •         
  • April 2007
  •         
  • May 2007
  •         
  • June 2007
  •         
  • July 2007
  •         
  • August 2007
  •         
  • October 2007
  •         
  • December 2007
  •         
  • January 2008
  •         
  • April 2008
  •         
  • May 2008
  •         
  • June 2008
  •         
  • July 2008
  •         
  • August 2008
  •         
  • September 2008
  •         
  • November 2008
  •         
  • December 2008
  •         
  • February 2009
  •         
  • March 2009
  •         
  • April 2009
  •         
  • June 2009
  •         
  • July 2009
  •         
  • October 2009
  •         
  • November 2009
  •         
  • December 2009
  •         
  • January 2010
  •   

      

    LINKS

      Apol  
             dito ga sa amin  
            D' Happy Campers!!!  
            bebengski  
            Umbro       
            Ivan Ulrich  
      Pansitan   
            Sweetlady  
     Batangenyo ka ga?       
            Tina Galido       
      Giz       
      Ka Atoy       
      My Baby    
            Sorbetera    
            Hardcore Arci! hehehe    
      Leng       
      
               

    Shout Box

     

        

     

    Wednesday, October 26, 2005

                        
                

        May nilalaman.. totoo nga ba?     

                 
     

         

    ISTORYA NG PUTA (from radioactivesago project forum)

    hindi ko alam kung sino ang gumawa nito, pero astig!
    pakibasa na lang...

    tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw
    ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako
    daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa
    aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw,
    sariwa at makinis. Di ko nga
    alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang
    kinabukasan ko.Halika at makinig ka muna sa
    kwento ko.Alam mo, maraming lumapit sa akin,
    nagkagusto, naakit. Sikat ka sa lahat, virgin eh!
    Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila
    ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang
    na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon.
    Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa
    katawan ko, na-rape daw ako?

    Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli
    ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko
    ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko
    siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan
    yung mga sadistang Hapon at Kastilaloy. Kase,
    ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko
    sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya
    mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang
    mga naging anak ko.Parating ang dami naming
    regalo - may chocolates, yosi, at ano ka...
    may datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong
    ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako
    nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-
    Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
    Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang
    problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga
    lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama
    ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na
    sosyal kami.Ewan ko nga ba, akala ko
    napapamahal na ako sa kanya. Akala ko
    tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-
    unti niya akong pinapatay. P*** ng
    I**!
    Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan
    ko, muntik na akong malaspag. Ang daming
    nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na
    daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang
    animal pero ang hirap magsimula.Masyado na
    kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan
    namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa
    utang, kulang ata pati kaluluwa namin para
    ibayad sa mga inutang namin.

    Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay
    namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi
    ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe.Yung
    iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman
    silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok
    ako.Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na
    tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami
    ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at
    kayaman na itinatabi ko para sa punyetang
    kinabukasan naming lahat. Dumating ang
    panahon na di na kami halos makaahon sa hirap
    ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa
    ginhawa at sarap.

    Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang
    tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na
    malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng
    magiging kasama sa buhay sa mga ahas na
    ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga
    ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak
    kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na
    nais nilang matamasa.Wala na akong nagawa
    dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga
    anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko.
    Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko,
    basta maginhawa lang ang mga anak ko.

    Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May
    nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na
    kase ang isang magandang tulad ko.Alam mo,
    gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso
    ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa
    ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang
    mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder?
    Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-
    abroad kong mga anak. Hindi na importante
    kung laspagin man ang ganda ko, madama ko
    lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman
    nila na gagawin ko ang lahat para sa Sa tuwing
    titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin
    ako.Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan
    pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa
    salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na
    lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang
    gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag
    kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong
    gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila.
    Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman
    para sa akin.Sa dami ng mga anak ko, iilan lang
    ang may malasakit sa akin. May malasakit man,
    nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos
    lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto
    magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng
    pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili
    kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital
    ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay
    sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa
    salamin, ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko.
    Dadating na naman ang pasko, sana maalala
    naman ako ng mga anak ko. Ilang buwan pa,
    magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong
    darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang
    susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko.
    Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban
    naman nila ako. Gusto kong
    isigaw:
    "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

    Salamat ha, pinakinggan mo ako.
    Ay sorry, di ko pala nasabi pangalan ko.
    >
    >
    >
    PILIPINAS nga pala pangalan ko!
       

       
                   
                      
                

    4 Comments:

               
                 
              At 10/27/2005,          Blogger RAY said...       
           
             

    medyo mali yata ang chronoligical order. kasi una ang mga kastila tapos mga amerikano tapos mga hapon tapos bumalik uli mga amerikano pero hindi na bilang mananakop pinaubaya na tayo sa kapwa nati pilipino na siya namang nagpatuloy ng pagpapariwara ng ating bansa sa proteksyon at blessing ni uncle sam. lahat namang pangulo ng pilipinas hindi tatagal sa katayuan kung wala sa proteksyon ng amerika. kung hindi ba dahil sa kanila tatagal ba si apo mc coy at kung hindi rin sa kanila mapaalis din ba si mc coy. basic talagang sa politika natin nasabi lang na tayo ay malaya pero hindi natin maitatanggi na hanggang ngayon alipin pa rin tayo ng kapangyarihan ng pangalawang dayuhang nagpasasa sa ating inang bayan.

               
                   
              At 10/27/2005,          Blogger Deng's Outdoor World and Travel said...       
           
             

    tama ka dun ka atoy pero ayun ang tinakbo ng wento ni pilipinas eh. isang malungkot at mapait na karanasan na hangang ngayon ay nag papatuloy pa din ang pag gahasa ng kanyang mga anak at taga ibang bansa.

    ay kalungkot:(

               
                   
              At 12/21/2005,          Blogger Deng's Outdoor World and Travel said...       
           
             

    charm, bakit ka nman tinablan? ano bang atraso mo kay inang pilipinas?

               
                   
              At 3/12/2010,          Blogger Mike Portes said...       
           
             

    Thank you for re-posting my article maski may may Konting revision from the original.

    If you wish to get updates on the upcoming "Minsan may Isang Puta" short film entry by Urban Tribe's Sarah Roxas @ the "Ganap na Babae"-search for the NEW WOMAN Director, you are most welcome to join us - HERE's TO A BETTER PHILIPPINES!

    JOIN US > http://www.facebook.com/pages/Minsan-may-Isang-Puta/359475606984?v=wall

    "Minsan may Isang Puta" was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com and at 2010, it is still finding it's way to blog sites, fora, search engines and now on film.

    Still pandering on your hunger for a true sense of NATIONALISM.

               
                 
      

        Post a Comment   

          

     << Home