Ngayon lam ko na ang Adventure Racing!!
Nuong nakaraang sabado at linggo, ginanap ang isang umaatikabong adventure racing na sa batangas. Empre sumali ako dito, hehehhehe..Perstym kong sumali sa isang mahaba at umuusok na takbuhan, akayatan ng bundok, pagbaba sa mga bangin, pag langoy at iba pa. Binubuo ng apat na kalahok kada pangkat. Empre may kapitan, dahil ako daw ang matanda sa amin apat ngunit pinaka mahina sa takbuhan, ako ang kapitan! hehehe
Nag umpisa ang paligsahan sa ganap na ika-8 ng umaga sa Lipa City Hall. Grabe ang init ng takbuhan, kanya kanyang tanungan kung saan makikita yun nakalagay sa clue na syang umpisa ng paligsahan. Ibang klase pala tong palakasan na ito, ubusan ng lakas. Kinakailangan ng matinding training, pokus, stamina, kalaman sa outdoor, mental at diskarte. Grabe! maaring dala ng exsaytment ko, na di ko na napansin yun isang clue na syang naging dahilan upang di nmain matapos ang laro. Ganun pa man, napatunayan ko na indi biro ang palakasan na ito bagkus kinakailangan tutukan ang kakayanan kung ikaw ay mahihilig dito.
gang sa muling pag karera!!!
4 Comments:
sarap naman ng adventure mo Deng! kakainggit... ganyan din ang trip ko noong .... hehe oo noong nasa high school pa ako.
iba kc ang hilig ng husbandry ko, karera rin pero naka-wheels kaya wala na akong training mula ng mag-asawa.
biking na lang paminsan-minsan. cguro paglumaki na mga tsikiting ko eh may panahon na uli sa ibang hobby.
o siya kaka, ako'y uuwi na't baka hinahanap na ni asawa.
sa lipa city hall pala nagstart ang karibok. saan bundok ka pumunta baka ang nakalagay ay doon sa kabila ng malarayat ng makita mo ang susong dalaga ay doon ka na sumuot kasi kahali-halina, he, he, he.
better luck next time and pag nanalo ka bibigyan kita ng voucher para makakain ka ng libre sa max restaurant (ang kondisyon sa voucher pagkakain mo huhugasan mo ang mga pinggan 8 hours lang naman na nasa hugasan ka ng pinggan)
uu sinuyod nmin ang bundok ng malarayat. Susong dalaga, malipunyo at manabo! grabe kapagod
ok yun ganitong karera kesa sa urban! hehhe san kya next? dapat kc makakuha tyo ng sponsor! yun sa DOT na pakarera 1M daw ang premyo eh! hehhehe isang magulo, masaya at umaatikabong karera yun malamang! 9 n araw ba naman yun!
Post a Comment
<< Home