Dugo at Utang
..Lumaki sa payak na pamumuhay
Malapit sa bundok, palibhasay bata'y ala pang muwang sa buhay
Mahiyain at masayahin sa pang araw araw na gawain
Dugong itinanim, kailangan gang utangin?
Yaong mga pangaral, hinding hindi malilimutan
Lalot lalo na, tuwing ako'y malalaba
Sa aking pagbangon at ang sakit ay damang dama
Tumatagos sa akin puso ang ala-alang bilin nila
Tirik na ang araw kahati ng aking paglalakbay
Huliman daw at magaling ay naiintindihan ko na din
Yaon dugong pangaral nasa sa akin ay itinanim
Mga usbong ng binhing tunay nga dapay pag yamanin
Ngunit ano itong dugong binhing nakita?
Nababanaag kong taliwas sa aral nya
Dapat ko bang kunsintihin mga sangang umusbong sa mga sanga nya
Gayun di ito naayon sa pinasimulan ng binhing tumubo twina
Dugo at utang alin ang matimbang?
Ang haring araw sya ang huhusga
Kung alin ang tama sa mga tinuran nya
Siguradong bago lumubog ay may pasya na
6 Comments:
galing at ganda ng tula. ikaw ga may akda niyan. Malalim. hind ko akalain na ikaw pala ay may itinatagong galing sa sining ng panitikan. mabuhay ka gat deng, ang makata eh ng cuenca batangas.
pati photo shot mo ok rin.
salamat ka atoy. minsan pag nasasaloob mo at may dinadama ay naiilabas natin ang isang bagay na ating nais. maging ito ay masaya o malungkot ayon sa silakbo ng atin puso.
opo ako po ang may akda niyan
salamat sa pagdalaw kaka! kala ko nasa bundok ka pa kaya ngayon lang ako nakadalaw muli. si fafa atoy kc daming pinahuhulaan, wala na tuloy panahon umakyat sa bundok. hehe
hmm... malalim ka rin pala! mukhang kay bigat ng iyong dinadala sa puso at isip. para sa akin, may utang na di kailangang bayaran. kung saan/sino/ano ang tama tanging ikaw lang ang makakapagpasya. paniniwala mo, panindigan mo.
ganda ng kuha mo sa pix.
hi deng, galing... inspired na inspired...
miss ko na mt. amuyao at ibang pook pa sa mt. province. anong grupo ka? pde ba mag-guest climber kapag naka-uwi ako?
Tnx po,
Free lance po ako, uu pedeng pede po cge pag uwi mo po.. pasyala tyo sa nortee... hehhehe..
ano po bang club kyo?
aba kapatid.. makatang -makata k talga.. ipagpatuloy mo lang yan... kaibigan
Post a Comment
<< Home