ecoTourism sa sierra madre
Pormal ng ilulunsad ang 600km ecotourism sa sierra madre na bumabagtas sa kahabaan nito. ang ganda nito no.
Sa akin pananaw, maganda talaga ito lalo na at magiging balanse ang lahat. pero balikan natin ang ibang parke natin. di kaya sa huli ay masira laang ang sierra madre? maraming bundok ang di sakop ng national park na dagsa ang bisita nito. Isang magandang senyales para lokal na pamahalan nito ang income para sa kanyang nasasakupan. Ngunit dahil sa hindi balanse o napatupad yun tamang ecotourism na tinatawag ay nasasakripisyo ang kalikasan. Pati na din sa ibang national park, sa akin napansin, kahit may pondong pumapasok dito e parang nasasakripisyo din ang kalikasan. halimbawa ang mt banahaw national park. Ipinasara sya sa kadahilanan nasalaula ng husto. Tinatawag pa itong banal na bundok ha! Sino ngayon ang may kasalanan. siguro pareho? ang nagbabantay siguro tutulogtulog, ang bisita naman manhid at walang pakundangan.
Kaya sana ay di masayang ang proyektong ito, dugo at pawis ang puhunan ng karamihan dito na walang interest kundi ang ingatan ang kalikasan at ipaintindi sa mga tao ang kahalagahan nito. Sa akin napansin, ang eco tourism din ang isang susi para umangat din ang income ng bansa. Dangan nga lang sana ay talagang balanse ang lahat. halimbawa sa bayan ko sa Cuenca, ang bundok ng maculot, malaki ang potensyal nito para sa pag unlad ng cuenca sa pamamgitan ng ecotourism. Ngunit medyo taliwas na o hindi nabibigyan pansing ng pamahalaang lokal. 5 piso kada ulo pag pasok mo sa nasasakupan ng maculot. 5 piso???!! oo tama mga kapatid! napakaliit para pang tustos sa mga magmintena sa maculot. Sira na ang trail, (as in!) dahil sa dami ng bisita dito pag sabado o linggo. (umaabot siguro ng 300 katao minsan) Nagkalat ang basura, walang habas na pagtatapon ng ng bisita. May minsang pang na aaksidente at nabalitang hold upan sa loob ng bundok. Ilan lamang yan sa kanyang suliranin na kitang kita na di balanse ang paggamit dito. wag naman sana dumating ang panahon na gumanti ang maculot kagaya ng nangyri sa Nakar, Real at iba pang lugar sa Quezon dahil sa alang habas na pag abuso sa kalikasan.
Di lamang sa maculot nangyayari ito, sa iba pang budnok ay ganito din. nakalimuntan na ata yun 11 isang bisita sa mt romelo na namatay dahil sa flash flood, empre kalbo na yun bundok na yun kya nagkaganun.
Sumusuporta ako sa ecotourism... hmmm pano nga ba? sa tingin ko maging magalang lang tayo sa inang kalikasan ay sapat na kahit ano pang nais natin. mga simpleng bagay lang. sumunod lang sa regulasyon ng isang parke, kung alang regulasyon o nde sya parke, gawin ang sa tingin ay makakabuti. wag magkalat, ibaba ang dalang basura at itapon ng maayos. low impact ay makakatulong din. ano pa ga? basta yun lang po
"Bakit di natin pagisipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan"
1 Comments:
pareng deng yang kapaligiran natin diyan sa atin napariwara na ng husto. tingnan mo ang mga ilog lalo na sa lugal ng mga san jose at lipa puro dumi na ng mga piggery at mga poultry at iba pang basura na tinatapon ng walang pakundangan ng ating mga kababayan. kaya dapat ipairal yan ecotourism doon sa mga lugal na may mga di pa nasasalantang kapaligiran upang pangalagaan ng mga mamayan para na rin sa kanilang kapanibangan.
Post a Comment
<< Home