Lechon Cebu
Magkausap kami kanina ng isa kong kaibigan na nasa Malaysia. Pinag uusapan namin ang masasarapa na pagkain. Naalala ko ang Lechon Cebu! aba, ay kahit alang sarsa, tagos hangang laman ang lasa! saan ka pa. hehehehhe...
Nais ko sana sa Pasko may lechon kami pero ok lang kahit wala. Mas mapalad pa din kami. Mas nais ko sana ay matulungnan na lang ang mga kababayan natin ngayon sa Mindoro na nasalanta ng matinding baha na dala ng walang humpay na ulan.
Siguro kahit tuyo pede sa akin sa pasko, sanay naman din ako dito eh!
klip galing sa Inquirer
5 Comments:
nakakagutom naman. hehehe
heheheh..... sarap kumain... tara kain tayo tpos kape
ay, ayaw ko ng lechon...nakakaaltapresyon!
sa panahong ito, mas mabuti na itulong na lang nga natin sa mga nangangailangan ang anumang konting naitatabi.
hindi ko rin malulunok ang masarap na pagkain kung nakikita naman natin sa paligid na halos ala ng maisubo ang ibang mga kapatid.
ialay na lang natin ang Pasko para sa kanila.
korak ka dyan kapatid, bihira naman ako makakin niyan. hehehhe... kya ninais ko lang kasi nadala lang ako sa usapan namin ng kaibigan ko ng masasarap na pagkain.. hehehhe..
korak ka ulit, kya nga sa sinulat ko ay ang karugtong eh yun pangyayari sa mga kababayan natin na nasalanta ng baha. naisip ko agad yun may masarap ka ngang kinakain tapos may maalala mo yun alang makain e para bagang di ka rin mabubusog at mawawalan ng gana.
sarap ng lechong cebu lalo na sa kagaya naming sabik na sabik sa mga pagkaing pinoy. pero tama si neneng at ikaw kapag
makikita mo at maalala ang kalunos-lunos na sinasapit ng ating mga kababayan sa salanta ng inang kalikasan at maging dahil sa kagahaman ng mga buwitre ng lipunan nakakawalang gana.mas masarap pa ang tuyo lalo at galing ito sa sarili mong pagsisikap at hindi sa katas ng kabuktutan at panlalamang.
Post a Comment
<< Home