OFW; Heroes nga ba?
Makabagong bayani nga bang matatawag ang OFW natin? Siguro sa gobyerno, OO. E kung mayaman ang bansa natin, matatawag pa din ba silang bayani dahil sa dolyar na ipinadadala nila? hmmm...
Isang katotohanan ba na dahil alang pagpilian ang mga kababayan natin dito sa atin? Kelangan mag sakripisyo ni nanay o tatay para sa pamilya nya? Ito'y ba'y kabayanihan? Ang mawalay sa mga anak at mahal sa buhay? na hindi nakakasama o nararamdaman ng kapamilya ang kanyang presensya? ay kalungkot ata niyon?
Hindi bagat matatawag na bayani ang isang ka-pamilya kung nasusubaybayan nito ang bawat panahon na dinadaanan ng kanyang anak o kapatid? Na bawat hakbang, pagkalinga, pansin at pagmamahal ay naitutuon sa kanila?
Ay anong magagawa natin kasi ala naman pagpilian dito sa bayang tinubuan. Di naka pagtataka na kahit mga guro dito sa atin ay umaalis. Buti kamo kung pag tuturo ang trabaho, ay hindi eh! bagamat marangal ang katulong bilang trabaho sa ibang lugar. nakakababa din ng loob na dito ay isang kang maestro na dapat naghuhubog para sa mga susunod na henerasyon.
Ngayon sasabihin nila na isang makabagong bayani? o isang alila ng paghihirap na lumalalang ekonomiya ng bansa?!
Ala lang di ko din alam
0 Comments:
Post a Comment
<< Home