<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12525814?origin\x3dhttp://dengdunicio.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
 
 
 
  

ABOUT

          Mahilig sa outdoor, pala-kaibigan, mountain guide, umiinom pero di mangi-nginom, mahilig mag explore, laki sa probinsya at ahh.. hmmm.. ano pa ba? pagnakita na lang tayo kwentuhan tayo! heheh...  

ARCHIVES

         
  • May 2005
  •         
  • June 2005
  •         
  • July 2005
  •         
  • August 2005
  •         
  • September 2005
  •         
  • October 2005
  •         
  • November 2005
  •         
  • December 2005
  •         
  • January 2006
  •         
  • February 2006
  •         
  • March 2006
  •         
  • April 2006
  •         
  • May 2006
  •         
  • June 2006
  •         
  • July 2006
  •         
  • September 2006
  •         
  • October 2006
  •         
  • December 2006
  •         
  • February 2007
  •         
  • April 2007
  •         
  • May 2007
  •         
  • June 2007
  •         
  • July 2007
  •         
  • August 2007
  •         
  • October 2007
  •         
  • December 2007
  •         
  • January 2008
  •         
  • April 2008
  •         
  • May 2008
  •         
  • June 2008
  •         
  • July 2008
  •         
  • August 2008
  •         
  • September 2008
  •         
  • November 2008
  •         
  • December 2008
  •         
  • February 2009
  •         
  • March 2009
  •         
  • April 2009
  •         
  • June 2009
  •         
  • July 2009
  •         
  • October 2009
  •         
  • November 2009
  •         
  • December 2009
  •         
  • January 2010
  •   

      

    LINKS

      Apol  
             dito ga sa amin  
            D' Happy Campers!!!  
            bebengski  
            Umbro       
            Ivan Ulrich  
      Pansitan   
            Sweetlady  
     Batangenyo ka ga?       
            Tina Galido       
      Giz       
      Ka Atoy       
      My Baby    
            Sorbetera    
            Hardcore Arci! hehehe    
      Leng       
      
               

    Shout Box

     

        

     

    Monday, February 13, 2006

                        
                

        Ang mga kapatid na Ita, kaibigan at Mt. Pinatubo     

                 
     

         


    Mt. Pinatubo, San Marcelino, Zambales

    Matapos ang bagsik ng Pinatubo nuong 1991, nagging popular na ang Pinatubo sa mga may hihilig sa adbentyur. Naging popular ang Sta. Juliana, Tarlac, Tarlac bilang jump off point at kamakailan naman ay iyong nasa Porac, Pamapanga.

    Mainit, para kang ginigisa habang nag lalakad sa mala disyertong geograpiya patungo sa bundok na ito. Ngunit ibang iba ang iyong madarama pag nakarating ka at nakita ang kulay asul na tubig ng kreyter.

    Ganyan ganyan ang aking nadama ng masulyapan ko ito. Napawi ang pagod ko habang ako’y hinihipan ng may kalakasang hangin. Banayad na banayad, kaaya ayang pagmasdan at di mo akalain na minsan ito’y kinatakutan.

    Byernes ng madaling araw, sa Mega Mall ang tagpuan. Nagtipon tipon tipon duon ang aking mga makakasama patungong Pinatubo. Sa pagkakataon ito, sa San Marcelino, Zambales ang aming ruta. Bago daw ito at medyo teknikal ng kaunti. Kasabay ko dito si Mike Adik (adik sa awtdor) siya ang aking bady na makakasama. Kasama ko din si Frances Gumapac, rayter at potograper ng isang magasin na ipinagbilin sa amin ni Regie Pablo (Presidente ng MFPI).

    Pormal ata ang sinusulat ko ah.. pabilisin natin! Nababagalan ako eh! So ayun! na delay ng mga ilan oras an dating sundo naming. Medyo lungkot ng kaunti kasi inaantok na ako. 4, 5, 6, 7, 8! Lagpas alas otso na ng aming marating ang tahanan ni Mayor Rodriguez sa San Marcelino. Naggayak na kami para naman magbyahe muli patungo sa umipisa ng lakarin. Lakarin na punong puno ng saya. Piktsur ditto piktsur duon! Panalo ang mala disyertong aming dinadaanan. Ayan! “Yan ang bundok bagang” sambit ni kapitan Willie. Pero habang pinagmamasdas ko ito, naisip ko baka dating bundok ngayon e burol na lang kasi ang baba na nya eh at natabunan ng lahar ang kabuuan. Hehehehe…


    Pagkatapos ng briping, matapos ipalala ang mga bawal nag umpisa na kaming mag lakad. Mainit nga pero kakaiba ang itsura ng lugar na to, panalo! Matapos ng ilang oras, binagtas naming ang ilog, wlang katapusang ilog pero ang sarap magtampisaw ditto. Malinaw sya at may kalamigan. May nadaanan pa nga kaming mainit init. Hehehe tsalap.


    Nagtanghalian, hanggang sa malapit nang dumilim ngunit wala pa kami sa aming kamp sayt. Nagpasya an gang expedisyon lider na mag hapunan duon sa huling bahagi ng ilog bago kami pumanhik sa matarik na bahagi. Akyat na! nakow! Inabot kami ng dalawang oras bago naming natawid ang napakatarik na na bahagi ng bundok. Ginamitan pa ito ng tali at sinabayan ng malakas na hangin.


    Eyniway, sa kamp sayt, pagkatpos maitayo ang mga kubol at makapagbihis, inihanda ang sarili dahil may anunsyo ang expedisyon lider, habang umiikot ang bote ng gin. Hala sige tawa bawal ang malungkot. Kanya kanyang paliwanag at halakhak. Ting! Umaga na! hahaha…

    Ala sais ng umaga, nun gabi ako ay tumakas sa inuman at natulog na kaya ganun. Nag timpla ako ng kape at nag ayos ng gamit para sa aming asolt papunta sa kreyter ng Pinatubo. 13 kaming lahat, masama nga bangang numero iyon? Hihihii… huwaw! Kakaibang ganda an gang tumabad sa amin ng marating nami nina Mike at Frances ang isang byudek. Sige litrato dito at duon, Pati ako, o kami naman ni Mike. Hehehe may lavapalooza pa ekek… o sya lakad ulet!


    Ilang oras pa, narating naming ang jahmes pik! Dito, tanaw na tanaw ang kreyter rim. Ngunit bago ditto, kelangan muna naming baybayin ang bangin nasa tantsa ko eh may isang daaang talampakan ang lalim. Huhuhhuhu…ayus! May naiyak pa nga eh! Wehehehe.. sekwet kung sino!

    Pagkababa, akyat ulit patungo sa mismong kreyter. Ang init at kapagod sa tarik paakyat! Pero panalo ng unti unti akong sinasalubong ng hangin na tila baga nagagalak na ako’y nakarating! Yehey!! Pagkatapos ng hirap, sarap naman. Napawi ang aking pagod sa aking nakita. Pinagmamasdan ko ang kulay asul na tubig nito, natanaw ko din ang lugar ng tarlac. Hay…. Ay kaganda talaga… o sya piktsur at piktsur pa ulet at kami ay bumaba na.

    Ituloy ko pa ba? Kasi kinulang yun tubig naming at ginamit naming yun kulay berdeng tubig sa pagluluto ng noodles at kape! Oo alas dose ng tanghali kamiy nagkakape. Wehehe san kapa! Tuloy ko pa din? Empre babalik na kami sa kamp sayt, tpos nag impake at tuloy baba na ulet. Sa tabing ilog duon kami nag palipas ng gabi, ay.. nauna pala akong nakatulog at pilit na ginigising ngunit silay bigo. Hahahaha… bigo din kami sa paghihintay at pag asang may darating na gin. Huhuu.. ay di natulog na ulet kami! Hahaha.. so ang sumunod na pangyayari ay binagtas ulet ang ilog pati maladisyertong lahar!

       

       
                   
                      
                

    0 Comments:

               
               
      

        Post a Comment   

          

     << Home