Huwawwie! Stampede Ini!!!
Nung nakaraan Sabado, ibinalita sa akin na marami daw namatay sa stampede duon sa ULTRA. Malungkot na marami nanaman ang nabawas sa mundong ibabaw. Karamihan pa daw dito e babae at may edad na. Pero iba ang naramdaman ko kundi pagkamuwi sa mga promotor.
Matagal na sa sistema ng pilino ang mga game show. Inabutan ko yun time ng kwalta o kahon, aba'y nakakaaliw talaga manood at may pag dakay nadadala ka din sa mga desisyon ng kalahok. isang paligsahan ng katuwan na ang pa-premyo ay salapi. Pang enganyo nga nman ang salapi diba? kaya nga may sweepstakes at lotto tayo. Marami din ang nagbabaka sali na maibsan ang kinatatayuan sa buhay.
Annibersaryo ng naturang Game show ang naganap na pangyayari nun Sabado ng umaga. Karamihan duon salat, hirap sa buhay, di nakapag aral, isang kayod isang tuka kung baga. Miyerkules pa din daw yun iba dun na nag "babakasali na guminha ang buhay" na sinasabing "nagbibigay ng bagong pag asa" at ito marahil ang naging impluwensya sa panatiko ng nasabing programa. Top rating ang programa, gaya ng iba nilang pag tatangahal, madami din ang dumadalo. E ano nga ba ang dahilan kung bakit sila pumupunta duon. Ang pagpila ng ilang araw pa lang e andun na sila? anong ibig sabihin nun? ano nga bang aral ang naidulot ng programa sa mga madalas sumali dito o yun mga pumunta nun nakaraang sabado? e yun programa, ano kaya ang napulot nilang aral sa mga nasawi? ang makisimpatya, pag gastos sa pag papalibing at sa ospital??!!
nood tyo woodstock dami din tao dun eh! hehehhe....
2 Comments:
may woodstock ulit? kelan at saan?
ala pang sked! hehehhe... naka punta ka n b sa pinoy version natin ng woodstock? masaya sya! enjoy
Post a Comment
<< Home