<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12525814?origin\x3dhttp://dengdunicio.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
 
 
 
  

ABOUT

          Mahilig sa outdoor, pala-kaibigan, mountain guide, umiinom pero di mangi-nginom, mahilig mag explore, laki sa probinsya at ahh.. hmmm.. ano pa ba? pagnakita na lang tayo kwentuhan tayo! heheh...  

ARCHIVES

         
  • May 2005
  •         
  • June 2005
  •         
  • July 2005
  •         
  • August 2005
  •         
  • September 2005
  •         
  • October 2005
  •         
  • November 2005
  •         
  • December 2005
  •         
  • January 2006
  •         
  • February 2006
  •         
  • March 2006
  •         
  • April 2006
  •         
  • May 2006
  •         
  • June 2006
  •         
  • July 2006
  •         
  • September 2006
  •         
  • October 2006
  •         
  • December 2006
  •         
  • February 2007
  •         
  • April 2007
  •         
  • May 2007
  •         
  • June 2007
  •         
  • July 2007
  •         
  • August 2007
  •         
  • October 2007
  •         
  • December 2007
  •         
  • January 2008
  •         
  • April 2008
  •         
  • May 2008
  •         
  • June 2008
  •         
  • July 2008
  •         
  • August 2008
  •         
  • September 2008
  •         
  • November 2008
  •         
  • December 2008
  •         
  • February 2009
  •         
  • March 2009
  •         
  • April 2009
  •         
  • June 2009
  •         
  • July 2009
  •         
  • October 2009
  •         
  • November 2009
  •         
  • December 2009
  •         
  • January 2010
  •   

      

    LINKS

      Apol  
             dito ga sa amin  
            D' Happy Campers!!!  
            bebengski  
            Umbro       
            Ivan Ulrich  
      Pansitan   
            Sweetlady  
     Batangenyo ka ga?       
            Tina Galido       
      Giz       
      Ka Atoy       
      My Baby    
            Sorbetera    
            Hardcore Arci! hehehe    
      Leng       
      
               

    Shout Box

     

        

     

    Friday, March 10, 2006

                        
                

        Hilatsa ng Avenida, Sta. Cruz ng Manila     

                 
     

         

    Di ko sukat akalain na ang dami ko pa lang makikita sa hilatsa ng Avenida sa Sta. Cruz, Manila. May tatlong oras din yata ang ginugol ko sa lugal na ito. Walang humapay sa paglalakad, paikot -ikot at pagtatanong sa lugal. hehhehe...

    Lagpas ala - onse ng ng umaga, nasa Robinson's Galleria ako may inuutos kasi ang aking mahal na ina. Matapos ko itong mabili ngunit kulang pa din, kumain muna ako ng damo damo sa Delifrance at garlic bread. Wag nyo nang itanong kung bakit. hehehe..

    Bumili ako ng baterya na para sa gadget ng lola ko.(nde MP3 player ha!) Para ito sa pang testing daw ng blood sugar. At kelangan ko din ng baterya para sa portable radio. Dahil isa lang ang nabili ko, tumungo ako sa buendia, anduon daw yun bilihan ng para sa radyo. Sa kasamaang palad kahit mainit ang panahon di pa din ito umayon, kasi ala daw stak. Dahil mag uubos din ako ng oras, minabuti kong tumulak sa Raon. Dito maraming kalakal at mura pa. May tek sa akin ang aking mahal na ina, "mag ingat ka sa mandurukot ha" hmmm... siguro nun dalaga pa sya madami ng mandurukot dun. hihihii... salamat pow!

    LRT ang mabilis! baba ako ng "carriedo". Lintek! matatagalan ata ako sa katangahan ko. Di kasi pumasok yun magnetik card na binili ko. Mantakin mo, baliktad pala!! hahaha ay katanga ko din.. hihihi
    "Atensyon sa lahat ng pasahero. Magkakaaroon po tayo ng mabilis na pagbukas at pagsara ng pintuhan. Sa kadahilan pong malayo ang gap ng sinusundan natin tren" "mag ingat din po tayo sa mandurukot" hahaha..buti mabilis ako nakalabas sa pintuan ng tren. Pero may babala nanaman! mukahang madami nga ditong luko-luko ah at di na din ko nagkamali sa pagpasok ng magnetic card at madali akong nakababa.

    Sa kalsada ng G. Puyat (lam nyo yun!) ang daming tao! may rally ba dito? bat ang gulo gulo! Sari sari ang paninda nila, damit, gamit sa kusina, pang sundot ng lababo at kung ano ano... hehehe.. dito pa lang pansin mong buhay na buhay ang komersyo. Kanya kanyang sigaw at diskarte. Pero lagi kong pinapansin e yun wallet ko at aking bag, baka kasi ako ang madiskartehan. Pagdating ko sa kabilang kanto. Mas maingay! puros tugtugan, palakasan pa! dito naman ang radio and electronics. Siguro andito na yun hinahanap ko, ayus!

    DVD player, mga baklas baklas na CD ROM, speaker na kalalaki, mga pag disco accessory, mga pyesa at pyesa at iba ibang samut saring di ko alam kung ano yun. "mama.... meron ba kayo nito? ano to? baterya po ng radyo" sabi ko. Wala kami nyan" so lakad ulit. Pinagmamasdan ko ang aking mga dinaan, kung marami kang salapi, ang dami mong mabibili na kapakipakinabang sa loob ng inyong tahanan. Tumigil ako saglit sa nag titinda ng mga CD ROM upang mag tanong. "Manong meron ba kayong CD Writer?" Tiningnan nya yun gabundok ng CD ROM tapos kinuha yun nasa iababaw, "ito, 700" (ang mura) isip isip ko, e kung kunin ko yan at ipukpok ko sa ulo mo. Gustong kong sabihin na manong niloloko mo ko eh, cd rom lang yan binibigay mo sa akin. pahanap hanap ka pa kunwari. Pero ang sinabi ko, "ahh.. salamat" at nag tanong ako. "san po ba dito yun bilihan ng nga mga radyo, yun two way radio, icom, alpha tango, yun mga ganun?" Itunuro ako sa di kalayuan tindahan "ayun, duon sa Promac, madaming radyo dun!" ngek!! honga naman radyo yun mga promac na yun! hahaha ang tanga ko. natawa na lang ako kay manong.

    O sige lakad, lakad pa naka ilang kalye na ako pero puros pang sound system ang nakikita ko. Nag tek ako sa kakilala ko upang mag tanong, pero empre humanap muna ako sa lugar na sa tingin ko ay safe. Remember! dami daw loko dun! Ibig sabihin sa isang lugal na sentro ng komersyo, na kagaya nito, madaming manggantso. Nagtanong ulit ako sa isang tindahan, pero ala yun hinahanap ko. Tinanong ko na lang san kaya meron nun. Sabi sa akin subukan ko daw sa kabila ng avenida. Okey salamat, sa kabila ng avenida tayo pumunta.

    Yun ilalim ng LRT, ginawa na palang parke hanggang Recto. Andun pa din yun Metropol, and daming kainan, may mga upuan sa gitna ng parke at empre madami pa din nag titinda, lalo na yun piratang CD na karamihan bold. hehehe.. tumawid ako sa ronquillo st. sabay naresib ko na yun tek at sinasabing sa kabila nga daw ng avenida meron. yun papunta daw ng binondo. Ewan ko, sige lakad at lakad. Waaaa tindahan naman ng mga sari-saring ilaw, pangdekorasyon sa bahay at mga tiles. Lintek at malilintikan ata ang lakad ko. Lumakad ako patungong Recto, ngunit ala akong matanaw na bentahan ng hinahanap ko, so bumalik ako. Mga bangko, at tindahan naman ng bagay bagay na pang intsik. May mga kainan din. nakakagutom, amoy pa lang ulam na! hehehhe..Nasalubong ko pa ang ang titser na intsik nun akoy nasa koleheyo pa. Tumango laang ito at tumuloy ng pag lakad. Habang ako'y umusad ng paglalakad, iniisip ko pa din hanggang ngayon kung ano pangalan nya, ng biglang Welcome to Manila Chinatown! nyahahaha asan na ako! Ting! natuwa ako kasi ang layo na ng naikot ko. Binalikwas ko ang aking bag, at kinuha ko ang kamera! yehey! piktsur! nyahahah.

    So habang akoy naglalakad, ine-enjoy ko ang aking nakikita. Tumigil ako sa kanto ng ongpin at kumuha ulet ng piktsur. May nakita pa akong hilera ng mga kabayo, mukahng pagal na ang mga ito, tulo ang laway eh! sa aking paglalakad, lumabas ulet ako sa gitna ng avenida at may nakita akong umpukan ng tao. Lumapit ako upang maki usyoso ng biglang may narinig akong awit. nyahaha.... si Noel cabangon, bulag na! joke pero napakagandang tinig mula sa isang bulag habang kanyang inaawit ang kanlungan. Kaya't ako'y tumigil sandali upang aliwin din ang sarili, bumili muna ako ng meryenda. Limang pisong pinya! abay sapat nato, sa dami ng aking ipinawis sa ilalim ng araw na pag dakay aambon pa, siguradong tunaw na yun damo damong kinain ko sa ortigas! sarap!

    Masyado na akong nalilibang, naalala ko yun ang aking hinahanap. San ko nga ba makikita yun. huhuhhuhu... Naisip ko na bumalik sa Recto, duon, maraming pakiwari ko at sabi ng karamihan ay nakaw na item. Pagdating ko sa recto, naaliw ako sa mga tinda nila. kakararaming celpon at iba ibang gadget na kung susumahin mo at ka mumura. Napahinto ako sa isang tindahan ng mga lumang pang radyo, bingo! nag tanong ako dito at sabi sa akin duon daw ako pumunta sa kabila ng Raon, sugsugin ko lang daw ito makikita ko ang tindahan ng hinahanap ko. Sanay nga'y tama sya kasi nakakapagod din magpa ikot ikot na inaaliw ko lang ang mga bagay na nakikita ko noh!

    Sa makatuwid, bumalik muli ako, binaybay ko ang ngalan ng mga kalye. Narating ko na yun dulo, Carriedo Station na ng LRT pero ala akong nakitang Raon na kalye. Di ako sigurado alin sa G. Puyat at Soler ang Raon. hahahha... kayat akoy nag tanong sa isang ale na nag titinda ng mga paper bag. Siguradong alam nito kasi palakad lakad sya eh. Ngunit, iminustra nya lang ang kanyang kamay tapos ang sabi "dyan, dyan banda, tapos lumiko ka" ayus! bat kaya di nga na lang sabihin na di nya alam. hahaha.... o sige payag na ako, nun malapit na ako sa kanto may isang tanod, eto sigurado na to. At di ako nagkamali. "Raon, G. Puyat po ang dating Raon St." naks! biruin mo napaka inpormatib ng tanod na yun, at akoy nag pasalamat.

    Parang dumaan na ako dito ah ang kaso ay bumalik ako. Ang tagal kong nakahinto, hinahanap ko ang sinabi sa akin ng kausap ko sa recto. Lumakad pa ko ng konte at palinga linga. aha! sa wakas nakita din kita! mwuah mwuah! hahahha.. dali dali kong nilabas yun sampol ko at nag tanong kung meron sila nun na dapat lang na meron! kasi ilang oras ang ginugol ko para lang dito. 500 daw ang presyo yun battery pack pag orig 1200. Pero, ala na daw silang stak! huuuuwwwwaaaaatttt....!!! gusto ko ata umiyak at matawa sa oras na yon! biruin nyo sa haba ng nilakad at tinipa ko dito sa pc di ko pala mabibili yun hinahanap ko. Nangayayat nga ako eh tapos ala ng stak. E anong gagawin ko so lumabas na ako.

    Sa kagandahang palad, sa di kalayuan may na ispatan pa akong tindahan! yehey! sana naman meron na dito noh! so inilabas ko yun dala dalahan ko at ipinakita. Isip sip ko wag syang kokontra baka bigla sa kinatatayuan ko, akoy bigla akong matumba. 450 daw ang isa, yahoo... sa katuwaan ko nakuha ko pang tumawad ngunit bigo ako kasi daw 500 yun. (isip isip ko di pa nman ako tumatawad kanina ah pero sige basta meron) Nagtanong pa ko ng isang ko pang bateryang dala ngunit ala daw. Bumli na din ako ng speaker myk para di na ko bumalik ng para lang dun.

    Hay, kasaya ng aking naranasan habang akoy sumakay ng jeep patungong Liwasan Bonifacio. Alam nyo ba may bonus pa yun adbentsur ko, pagdating ko ng Liwasan, may nagrarally dun. isang panawagan na bumaba na daw ang pangulo. hehhehe empre kumuha muna ako ng piktsur bago ako tuluyang sumakay ng Ef-ek patungong Las Pinas. Ang sarap libutin yun lugal na yun! subukan nyo sasakit ang ulo nyo pero kakaibang ligaya ang hatid nito.

    Nek taym Sa Central market kya ako pumunta? may wag wagwagan dun, ang una at sikat na ukay ukay sa manynila. Sino gusto sumama? hehehe
       

       
                   
                      
                

    0 Comments:

               
               
      

        Post a Comment   

          

     << Home