Mahigit isang dekada na akong nahihilig sa mountain climbing. Sa loob ng panahon na ito, maraming beses ko ng nabalikan ang bundok ng makulot, na kung saan itoy malapit sa aking puso dahil dito uminog ang aking mundo ng aking kabataan. Sa paglipas ng panahon, bihira ko na syang pasyalan. Tinatanaw ko na lamang sa tuwing akoy uuwi sa aking bayan, ang Cuenca. Ang dahilan nito ay isang personal na layunin, layunin na maibsan ang lubos na pagkasira ng Maculot. Lalong lalo na ang sobrang mala-kanal ng trail nito. Simula naman nun isang taon, may dalawa ng insidente ng hold up ang naganap. Yun una, ay nagsampa ng kaso at pangalawa ay nag sabi lamang sa barangay. Bukod pa dito ang napakaruming campsite na dahil sa iresposableng bisita sa bundok.
Nitong Sabado at Linggo, may nagpa-guide sa amin ni Kevin (malapit kong kaibigan). Naisip kong tanggapin ito upang matingnan ang kalagayan ng bundok. Yun nagpaguide sa amin, bagaman unang beses pa lang umakyat, kitang kita ko paano sila nahirapan sa grabeng lalim at dulas ng trail dahil sa dami ng umaakyat dito. Bago pa man kami lumarga, ipinaliwanag ko na sa kanila ang hitsura ng Maculot.
Halagang sampung piso, maliligayahan ka na upang mag palipas ng oras sa itaas ng Maculot. iba ibang tao ang bumibisita dito, pero sa haba ng panahon, sa halagang sampung piso, tila baga unti unti di balanse at di pabor sa maculot ang nangyayari sa kanya. Para syang unti unting nagagahasa, nagpapasasa ang mga bisita sa ganda nya at pagkatapos ay iiwanan ng ganun na lamang. Ang turista ay dagdag na kita para sa lugar na pinasyalan nila. May nag titinda ng buko duon sa daan paakyat ng Maculot. Sa itaas, ma eenjoy mo ang lahat ng kailangan mo, may tindihan kasi duon. Tubig, kape, gamit sa pagluluto, pagkain, at kahit inumin na nakalalasing, ikaw ay makakabili. Nagkalat ang basura, sirang trail at parang fiesta sa gabi. para ka ba gang naandun sa baywalk.
Aking pananaw, sana naman ang magising ang aking mga kababayan upang mahalin ang Maculot. Ang Cuenca ay isang potensyal at akma sa eco tourism, pero sanay dumating na ang araw na yun. Balanse ang lahat, payapa (alang hold up) at di nasasakripisyo ang bundok. Di pa nman huli ang lahat eh. Kung makakapagsalita lamang ito, maririnig natin ang kanyan hinagpis.
1 Comments:
panahon n para umaksyon ang kagaya natin n responsableng mamumundok para maisalba ang Maculot.. Wag natin intayin n may mangyari pang masama bago tayo magising.. suportahan k nmn Deng sa anuman ang napaplano mo...
Post a Comment
<< Home