Mumu sa Parking Lot
Kahapon umuwi ako sa Batangas kasama nanay ko upang ilabas ang lola ko sa hospital. Sa Mediatrix siya nakaconfined, dahil matanda siya kaya't sakitin na. Pero ang kwento ko ay tungkol sa kakaibang pang yayari sa parking lot ng hospital.
Lunes ng madaling araw ng isugod namin si lola sa hospital n iyon, sa dahilang ala pang kwarto para kay lola dahil nasa ICU pa sya, e sa van ako natulog. Ala naman kakaiba maliban sa mayat maya ay kakatukin ako ng nanay ko upang may kunin sa van.
Kahapon ng hapon, inaantok ako mga ala una din yun, may kainitan sa parking lot. marami din nag papark at mamaya ay may umaalis. Bunuksan ko ang likudan bahagi ng van, pati na din mga bintana nito. Pagkatapos, hiniga ko ang sandalan sa huling upuan ng van at duon ako ay nahiga. Sarap ng hangin! labas masok ito. Pero nun sarap nasarap na ko sa aking pagkahiga eh may umuuga sa bandang ulunan ko kayat akoy bumalikwas upang tingnan, aba'y ala nman tao. hmmm.. Sige tulog gawa ulet ng tulog. ang kalokohan ng mga yun pag ako'y nasa aktong makakatulog na, saka naman ako uugain. Aba ako'y pilit na tinatakot. Pero di ko siya o sila pinapansin ng mamaya eh sa may paanan ko na ang inuuga! dahil dito ako ay naiinis na. Sinabi ko na lang na "Wag nyo naman ako takutin kasi hindi naman ako natatakot, ang gusto ko ay matulog. Kung gusto nyo mag trip sa iba na lang please...!" maniwala kayo at sa hindi ang sarap ng tulog ko. heheheh yun tipong may pawis pawis pa ko sa leeg habang banayad na iihip ang hangin sa akin. Yun ng iistorbo sa akin, siguro'y naghanap ng matatakot o kaya baka naghanap ng ibang kalaro. heheheh...
yun lang! (pagkagising ko nag txt ako sa kaibigan kong taga Cuenca tungkol sa pangyayari at sabi nya, ala e meron pala diyan.)
3 Comments:
ok na ga ang iyong lola? baka naman lumilindol lang kaya umuuga ang sasakyan o baka may dalawang pusa o dagang naglalampungan sa likod ng sasakyan.
Ok na si Lola, medyo suki nga lang talaga sa ospital.
weheheh kung lumindol malamang nag patikaran ang mga tao. kung pusa naman, ay lintek! buti kung makatulog ka sa ingay ng mga iyon!
baka nga may umakyat lng sa van.. d kaya.. o bka panaginip m lng...
Post a Comment
<< Home