Pag kalito
Isang linggo ako nawala sa sirkulasyon, kinailangan ng dagliang kita para mapunan ang pangangailangan. Gaya ng isang sisiw, kelangan kumahig upang makita ang tutukain. Pero yun mga araw na yun, pilit kong iniisip kung san nga nga ba ako nakarating habang hawak ko ang manibela ng sasakyan. Piliti ko din sinisilip ang dulo ng daanan, may kalayuan, pakiramdam koy puno ng lubak kahit na samentado ang aking ginagalawan. Di ko lubos mawari kung ako ba ay naliligaw o nababaliw. Para akong nasa hawla na bukas naman ang pintuan, nais kong lumabas, lumaya, ngunit may magnetong pilit din ako pinababalik sa loob. Siguro nasa isang loop ako o maze? sana makita ko na yun daan palabas. Minsan kasi akoy giniginaw sa ilalim ng araw at banas na banas naman kahit sayi na ako sa ulanan. Bukod pa dito ang mga makulay at mapanuksong di ko mawari kung anong bagay na tila panay pang aakit. May nakakatuwa at nakakatulong, meron din naman nakakasama ng loob ang implikasyon. Naway magbunga na ang puno ng mangga upang sa pag sikat ng umaga, sa paglipad muli ng mga maya, ay magandang hantungan ang lahat bago pa man lumubog ang haring araw sa kanluran, nasa sya ding basihan ng kapos, hikahos, at nag pupumiglas, umaasa ng isang magandang bukas.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home