Aling Sonya's Karinderya
Dahil bakasyon na, umpisa na din ng mga nag-aarkila ng van. Galing ako nitong sabado sa Tagaytay. Arkilado ang inyong lingkod. May pinuntahan kaming Bahay bakasyunan sa may Alfonso, ang ganda! may tree Hauz pa! Pagkatapos nun, Pumunta nman kami sa Sonya's Garden, dun daw sila mag tatanghaliaan. Narinig ko na to at perstaym kong makapunta. Mga mayayaman ang parokyano karamihan, may mga dayuhan din at bakit hindi ay napakagandang lugal para sa pag rerelaks.
Binigyan ako ng alawans pang tanghalian ko sobra sobra pa nga eh. Ang kaso, yun lugar ay probinsya talaga ang seting, malalayo ang pag-itan ng mga bahay. Pero may napansin akong kainan sa di ka layuan nun kami ay patungo dito sa Sonyas Garden. Ay sya gutom na ako eh!
Di ko maalala ang pangalan ng karinderya, pero kung bakit Aling sonya's karindeya eh ganito kasi. Tumawag pansin sa akin ang lalagyanan ng kutsara at tinidor. Kayo ga may napansin din? Tama! Pinaglalagyan ito ng kemikal na pandikit sa kahoy at pagkatapos ginawang lalagyan ng kobyertos. E ano nman ngayon? E di Tingnan nyo ang pinagkaiba ng Aling Sonya Karinderya sa Sonya's Garden! hehehhe
4 Comments:
dati may van din kaming pangarkila (nissan shuttle). bumibiyahe din lipa batangas city. panahon na naman ng sitahan para sa mga vacation spot. miss ko na pinas. magkano ba sita airport hanggang lipa? pwede bang magpasundo sa iyo pag uwi ko? pwede bang daanin na lang sa maboboteng usapan?
masarap ba sa aling sonya's karinderya?
ang ririch naman ng mga kasama mo? magkano ba sa sonya's garden? :-P
ka atoy.. airport then around manila eh nasa 1500 ang takbuhan! kung papasundo ka sa airport to Lipa, aba'y isang magandang panimula ng daupang palad at ikaw ay mapaglingkuran! tungkol sa presyo? hehehe.. email mo ko pag pauwi ka na! at ako magsisilbi sa iyo gang Lipa!
Hard core arci! nde ko nalibot ang sonyas garden eh! kay di ko alam ang presyo. ang dinig ko 2500 per head daw ang accomodation dun
hard core Arci.. isa pa, di po ipinagbibili ang sonyas garden! hehhehe.. kaw pala ang ma-kwalta! hihii joke
Post a Comment
<< Home