Cavite hanggang Ilokos Norteee!
00”Km
Eksakto ala singko ng hapon, Huwebe Santo ng kami ay mapadaan sa Luneta at nireset ko ang kilometrahe ng van. Sakto 00Km post, mula dito kulang kulang limang daan kilometro hanggang Laoag, Ilokos Norte. Dito sa Luneta nag uumpisa ang lahat kung saan andito si Gat Jose Rizal. Isang nakaaaaaaaaapagod at mahabang pagmamaneho! Hehehhe..
Tarlac, Tarlac
Ilokos Sur! As for sure!
Tarlac, Pangasinan, La
Welcome Ilokos Norteeee!!
Madilim pa ng kami ay tumulak ulet, napawi ang aking pagkabagot ng makita ko ang arko “Welcome Province of Ilokos Norte” Dito inaliw ko ang paligid, kasabay ng pagsikat ng araw, nalanghap ko ang simoy ng hangin nito. Mga taniman ng tabako ang bumati sa akin. Mag alas-syete na ng umaga, 485Km ng marating naming ang bayan ng Laoag. Tumigil ulit kami sa kamag-anak ng sakay ko. Nakahanda na din ang pagkain nila, na pambaon sa Pagudpod. Sumaglit din kami sa palengke para sa iba pang kailangan. Maganda ang Laoag, bukod sa maunlad ang bayan ito ay kapansin pansin ang kalinisan nito. Hmmm may pirated CD din kay dito?
Higanteng Elesi
Nabagot ako sa bayan ng
Pagud na, Pudpod pa!
Whoah! 564Km, dulo daw ito ng Ilokos Norte ang sunod na daw ay Cagayan! Pagudpod, iniisip ko dahil sa layo nito sa Maynila, pagod ka na, pudpod pa! hmmm tinanong ko kung bakit Pagudpod kaso nde nasagot eh! Hehehe… Ako na lang ang nakatuklas, isa itong paraiso para sa akin, nakaharap sa Dagat ng
1293Km
Sa kabuuan, kakaibang road trip kung baga ang naranasan ko, Pumunta pa kami sa Disyerto ng Cataban, ilog sa Solsolan, Museyo ni Marcos sa Batac, Nakita ko din ang yaman ni Chavit Singson (Baluarte) at Lumang mga bahay ng Vigan pagkatapos kami’y suminsay pa sa Manaoag bago tuluyang bumalik ng manila at cavite. Isang libo’t dalawang daan, siyamnapu’t tatlo kilometro ang aking natakbo sa loob ng tatlong araw. Tatlong araw na puno ng ligaya at antok, kakaibang tanawin at mga bagong kaibigan .
1 Comments:
ang saya naman!!! namiss ko na kumain ng longganisang ilokos at empanadang ilokos! pati ang bagnet!
Post a Comment
<< Home