Ang Pancit
Ang pancit ay bahagi na ng mga pinoy. Namana daw ito sa mga sinkit na intsik. Sari sari ang pancit na yan! canton, bihon, miki, instant, habhab, molo at iba pa.. may pancit na itim pa nga daw eh! hehehe
masarap ang pancit, almusal at miryenda. Minsan masarap din iulam sa kanin. Pang berdeyan, binyagan, kasalan at kung ano pang okasyon. habang kumakain ako ng pancit naalala ko ang kasabihan, "ang pancit ay pang pahaba ng buhay". Sa dami ng inisiisip ko ngayon sa tingin ko eh kunwari lang yun. Ang totoo, "ang pancit ay pang pahaba ng pasensya" hahaha...
Kayo anong paborito nyong pancit? kain na! at ng maging mapag pasensya...
3 Comments:
usong uso rin yang mga instant noodle. maraming pamilya sa pilipinas ang nagtitiis sa instant noodle, dala na rin ng kahirapan. mura kaysa karne, isda.
oo. ang sabi nga, pambansang ulam na yan ngayon. isang pakete ng instant noodle, paghahatian ng ilang miembro ng pamilya. dadamihan lang ang sabaw. tama nga.. pampahaba... because one pack goes a loooooong, loooong way in a poor household.
DENG DENG PANCIT BATO
Post a Comment
<< Home