Pala Bigasan ni Juan
nakikinig ako tuwing umaga ng Dos por dos sa DZMM at kanilang tapik e tungkol sa programa para sa feeding. yun mga nasa daycare at grade 1 ay bibigyan daw ng tig isang kilong bigas araw araw para daw makatulong sa lumalalang malnutrition at sa kabila nito sigurado nga naman na di tatamarin pumasok si jr.. hehehehe...
pero ang nakatawag pansin sa akin dito e yun proseso na aangkatin pa yun bigas sa ibang bansa habang patuloy na nahihirapan ang ating magsasaka. sa aking palagay ito'y isang sampal para sa isang agri-country nakagaya ng pinas. bakit di na lang sa mga magsasaka natin kuhanin? ito'y isang malaking tulong sa ating mga magsasaka na siguradong may nag aabang na kita. Total naman di naman galing sa bulsa ng politiko ito eh at pera eto ng bayan. Bakit kelangan umangkat? para ba kumita ang ilan sa bidding? yup kikita naman talaga pero sana naman dito na lang kunin sa ating bansa yun bigas!
2 Comments:
kaya tayo umaangkat ng bigas kasi kulang ang produksyon natin. hindi kagaya noong panahon ni nawalang secretary of agriculutre na si Arturo Tanco. nagawa niyang self sufficient tayo dahil sa masigasig na kampanya para sa rice farmer.
ang irony nito maraming mga agriculturist na karatig bansa natin ay sa bansa natin nag-aral at natuto at nagawa nilang paunlarin ang kanilang rice production at iba pang agriculture product sa tulong ng nalaman nilang kaalaman dito sa ating bayan.
yun nga ang masaklap duon ka atoy, dahil di nabibigyan pansin ang lokal nating agrikultura ay natatalo ang tayo ng imported na produksyon na mas mura pa kahit import pa ito. ibig kong sabihin may problema sa pagitan nito, unti unting pinapatay ng mga imported na produkto ang ating lokal na produksyon
Post a Comment
<< Home