Tibanglos
Naalala nyo pa ga ang tibanglos? tibanglos na syang nagbibigay ng liwanag sa atin pag kumagat na ang dilim. Kapag dapit hapon ay mag aaya na ang mamay at nanay na kumain na habang maliwanag pa at pagkatapos ay "paki kuha nga ng tibanglos" tanglaw ng buhay, liwanag sa dilim, nag-aakay sa mga gamo-gamo pag tag ulan nama'y mga alikarkar. Naalala nyo pa ga agn tibanglos nyo pag inyong tinitigan ang kanyang malamlam na liwanag? di baga't ang lalim ng inyo iniisip. Sana'y di nyo sa makalimutan at paminsan minsa'y subukan nyong gamitin upang manumbalik ang mga nakaraang alaala....
0 Comments:
Post a Comment
<< Home