<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12525814?origin\x3dhttp://dengdunicio.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
 
 
 
  

ABOUT

          Mahilig sa outdoor, pala-kaibigan, mountain guide, umiinom pero di mangi-nginom, mahilig mag explore, laki sa probinsya at ahh.. hmmm.. ano pa ba? pagnakita na lang tayo kwentuhan tayo! heheh...  

ARCHIVES

         
  • May 2005
  •         
  • June 2005
  •         
  • July 2005
  •         
  • August 2005
  •         
  • September 2005
  •         
  • October 2005
  •         
  • November 2005
  •         
  • December 2005
  •         
  • January 2006
  •         
  • February 2006
  •         
  • March 2006
  •         
  • April 2006
  •         
  • May 2006
  •         
  • June 2006
  •         
  • July 2006
  •         
  • September 2006
  •         
  • October 2006
  •         
  • December 2006
  •         
  • February 2007
  •         
  • April 2007
  •         
  • May 2007
  •         
  • June 2007
  •         
  • July 2007
  •         
  • August 2007
  •         
  • October 2007
  •         
  • December 2007
  •         
  • January 2008
  •         
  • April 2008
  •         
  • May 2008
  •         
  • June 2008
  •         
  • July 2008
  •         
  • August 2008
  •         
  • September 2008
  •         
  • November 2008
  •         
  • December 2008
  •         
  • February 2009
  •         
  • March 2009
  •         
  • April 2009
  •         
  • June 2009
  •         
  • July 2009
  •         
  • October 2009
  •         
  • November 2009
  •         
  • December 2009
  •         
  • January 2010
  •   

      

    LINKS

      Apol  
             dito ga sa amin  
            D' Happy Campers!!!  
            bebengski  
            Umbro       
            Ivan Ulrich  
      Pansitan   
            Sweetlady  
     Batangenyo ka ga?       
            Tina Galido       
      Giz       
      Ka Atoy       
      My Baby    
            Sorbetera    
            Hardcore Arci! hehehe    
      Leng       
      
               

    Shout Box

     

        

     

    Sunday, June 17, 2007

                        
                

        Kumusta na? ayos pa ba...     

                 
     

         

    Nagdaaan na ang eleksyon at mahigit isang buwan bago natapos ang bilangan at deklarasyon ng mga nanalo. Bumoto ka ga? ala daw karapatan mag reklamo ang di bumoto. Kawawa naman ako. huhuhuu... matagal pa ulet ang susunod na eleksyon. Oo, di ako nakaboto kasi kailangan kong humapit para sa pangtustos sa pamilya ko. Sagrado ang boto sabi nila pero pano ang pamilya ko?

    Magkaganun man, kumusta naman? isolated lang daw yun mga garapal na dayaan, may mga namatay pa nga para sa isang posisyon at di naman ganun kalaki ang sahod. Siguro kasi para lang siyang mangibabawbaw sa kapangyarihan sa kanyang nasasakupan? Maraming bagong mukha, meron pa ngang di inaasahang mananalo ay naging senador pa! ahahahaha... at yun mga alang paninindigan (balimbing kung tawagin) ay siyang tumanggap ng nakakahiyang pagkatalo:p

    Dapat na tayong umusad. Sabi ng nakaupo, gumaganda na ang ating ekonomiya. Malakas na daw ang ating piso, habang patuloy nanaman ang pag-arangkada pataas ang presyo ng krudo. Empre kasunod nito pagtaas ng iba pang pangunahin bilihin. Ayos pa ba? anong bago? Sino bang mali o nagkamali? gobyerno lang ba ang dapat natin sisihin (yun mga di bumoto bawal daw magreklamo! heehhe) e yun sistema, dapat ba nating baguhin? nasubukan mo na bang di kumuha ng fixer sa pagkuha ng lisensya? o kaya ay ang di pagtangkilik sa mga piratang CD? sumakay sa kolorum? di ka ga naniningit sa pila? Tayo'y asiwa sa mga kotong kaps, pero pag tayo'y nahuli at sadyang mali, di ka ga naglalagay? Mga simpleng bagay sa simpleng sistema. Alin ngayon, o sino ang dapat baguhin? Sistema, trapo na ibinoto mo, gobyerno o ang sarili natin?
       

       
                   
                              

    Wednesday, June 06, 2007

                        
                      
     

         

    A-re na mga kapatid ko ang aking ipinangako nun unang tambay ko sa beach (san antonio, zambales) sanay maibigan nyo!!


    Kuha mula sa isla Capones (salamat ka erick <<)

    pine tree sa anawangin cove (Kuha ko sa Cellcam)


    paglubog ng araw. (Kuha ko sa Cellcam)


    ang buhangin... (Kuha ko sa Cellcam)



    ang pagrerelaks ko (may hangover pa eh!) (Kuha ko sa Cellcam)
       

       
                   
                              

    Sunday, June 03, 2007

                        
                

        Mabuhay ka Reggie!!     

                 
     

         

    Nuon isang taon nasaksihan ng marami at nagsaya lalong lalo na ang nasa kumunidad ng mga mamumundok ang pagtungtong ng pinoy sa bubungan ng mundo, ang mt. everest. May 17, 2007, ganap na 9:00 ng umaga, muli'y tumungtong ang pinoy sa tuktok nito sa katauhan ni Reggie Pablo, dating president ng MFPI. Bagaman tahimik ang balitang ito, kahit di ka mabigyan ng parangal masaya kami para sa iyo. Isang totoong tao at mamumundok! Mabuhay ka Reggie!

    si ka Reggie sa summit ng Everest


    Selebrasyon ni ka reggie sa bahay ni Juan
       

       
                   
                                               
                

        Tag Ulan na!     

                 
     

         

    Tuwing hapon ay may pabugso-bugsong ulan, pagdaka nama'y lintek! ang lakas.

    Tag-ulan na nga, para sa mga langgam, sila'y nakapag-imbak na at handa na anumang unos na dadaan. Ako nama'y kahit umuulan na ay kelangan pang mag sipag para may pang tustos sa mga pangangailangan. Nawa'y kahit tag ulan ay biyayaan pa din ng magadnang panahon gaya ng lakad ko nitong halos magkasunod na araw.


    Larawan sa Itaas na Bundok Malarayat


    Ito nama'y kuha sa Bundok ng Palay-palay

    Hindi baga't kaganda ng panahon namin dyan?