Kumusta na? ayos pa ba...
Nagdaaan na ang eleksyon at mahigit isang buwan bago natapos ang bilangan at deklarasyon ng mga nanalo. Bumoto ka ga? ala daw karapatan mag reklamo ang di bumoto. Kawawa naman ako. huhuhuu... matagal pa ulet ang susunod na eleksyon. Oo, di ako nakaboto kasi kailangan kong humapit para sa pangtustos sa pamilya ko. Sagrado ang boto sabi nila pero pano ang pamilya ko?
Magkaganun man, kumusta naman? isolated lang daw yun mga garapal na dayaan, may mga namatay pa nga para sa isang posisyon at di naman ganun kalaki ang sahod. Siguro kasi para lang siyang mangibabawbaw sa kapangyarihan sa kanyang nasasakupan? Maraming bagong mukha, meron pa ngang di inaasahang mananalo ay naging senador pa! ahahahaha... at yun mga alang paninindigan (balimbing kung tawagin) ay siyang tumanggap ng nakakahiyang pagkatalo:p
Dapat na tayong umusad. Sabi ng nakaupo, gumaganda na ang ating ekonomiya. Malakas na daw ang ating piso, habang patuloy nanaman ang pag-arangkada pataas ang presyo ng krudo. Empre kasunod nito pagtaas ng iba pang pangunahin bilihin. Ayos pa ba? anong bago? Sino bang mali o nagkamali? gobyerno lang ba ang dapat natin sisihin (yun mga di bumoto bawal daw magreklamo! heehhe) e yun sistema, dapat ba nating baguhin? nasubukan mo na bang di kumuha ng fixer sa pagkuha ng lisensya? o kaya ay ang di pagtangkilik sa mga piratang CD? sumakay sa kolorum? di ka ga naniningit sa pila? Tayo'y asiwa sa mga kotong kaps, pero pag tayo'y nahuli at sadyang mali, di ka ga naglalagay? Mga simpleng bagay sa simpleng sistema. Alin ngayon, o sino ang dapat baguhin? Sistema, trapo na ibinoto mo, gobyerno o ang sarili natin?
2 Comments:
mabuhay ka ka deng! ang pagbabago ay dapat magsimula sa ating sarili.
sa bayang walang nagpapaapi walang nang-aapi.
nakikita natin ang kamalian at katiwalian ngunit madalas kasangkap din tayo at madalas nagsasawalang kibo sa kamalian nating nasasaksihan.
malayo pa ga ang umaga para sa ating bayan?
ay paano nga ang gagawin? uu malayo pa ang umaga, ika nga ng isang kanta at sabi pa nun isa eh "gusto kong bumait pero di ko magawa" hehehehe...
Post a Comment
<< Home