updeyt
Patapos na ang unang quarter ng taon, marami na akong kwento, mas maraming lakad sa bundok. May nakakaaliw, nakakapagod, nakakasawa at nakakasuya. May nagbabago sa mga takbo ng panahon. Mula sa gobyerno, krisis ng mundo, kapaligirin, estado ng pamumuhay ng hikahos sa lipunan, relasyon ng bawat isa, pighati at kagalakan.
Asan ako dyan? ala naman, updeyt ko lang ang mga pagbabago sa bawat pag inog ng mundo. Sayo ba may nabago? Sa akin? meron! gusto kong isiwalat na bawat galaw ay talagang may nababago hindi man sa akin, e sa mga taong nakapalibot dito. Alam nila yan kahit di nila aminin, sa pusot damdamin ay wag na nilang lokohin:p Maaring may mga bagay na di pedeng ipilit pero ano't ano pa man, kaligyahan o kalungkutan, pagsikat ng araw malamang ito'y ating masaksihan. Nawa'y maging saksi ang mga pipi at bingi at ng sa huli, isang umaga malamang kape at pandesal at kay sarap manamnam.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home