Saysay...
Anong saysay mo?
e bakit naman daw?
sa tingin mo ba naging makabuluhan nga ito?
sa katabi mo, nainis ba sya o natuwa?
Lahat daw ng bagay sa mundo ay may saysay, maliit man o malaki. Nakakatuwa man o nakaka-iyak. May mga bagay ba talaga na minsan na sa tingin mo'y ito ay may saysay pero kahit anong gawain mo di na raw pede dahil wala raw itong saysay. Pero pagpinipihit ko ng globo sa kabila nito'y punong puno ng saysay. Bakit kaya hindi na lang ako ang pinihit ng globo bagkus, nagpapatuloy lang sa sa pag inog dahil ito daw ang kanyang saysay. Sa makatuwid ba eh dapat na lang tanggapin ang kasaysayang sasapitin natin? Di ba pedeng baguhin ang guhit o ang pag inog nito bagaman yun iba daw ay napaghandaan, yun iba naman, malamang hinde at sa tingin ko nabibilang ako sa hanay nila. Nakakalungkot lang isipin na minsan ka lang daw lalakad sa globo ay dapat daw gawin ang mga bagay na may saysay. paano ako ngayon kasi ang buhay ko punong puno ng sa tingin ko ngayon ay walang saysay..
hay buhay...
kaw gusto mo bang mabago ng may saysay?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home