<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12525814?origin\x3dhttp://dengdunicio.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
 
 
 
  

ABOUT

          Mahilig sa outdoor, pala-kaibigan, mountain guide, umiinom pero di mangi-nginom, mahilig mag explore, laki sa probinsya at ahh.. hmmm.. ano pa ba? pagnakita na lang tayo kwentuhan tayo! heheh...  

ARCHIVES

         
  • May 2005
  •         
  • June 2005
  •         
  • July 2005
  •         
  • August 2005
  •         
  • September 2005
  •         
  • October 2005
  •         
  • November 2005
  •         
  • December 2005
  •         
  • January 2006
  •         
  • February 2006
  •         
  • March 2006
  •         
  • April 2006
  •         
  • May 2006
  •         
  • June 2006
  •         
  • July 2006
  •         
  • September 2006
  •         
  • October 2006
  •         
  • December 2006
  •         
  • February 2007
  •         
  • April 2007
  •         
  • May 2007
  •         
  • June 2007
  •         
  • July 2007
  •         
  • August 2007
  •         
  • October 2007
  •         
  • December 2007
  •         
  • January 2008
  •         
  • April 2008
  •         
  • May 2008
  •         
  • June 2008
  •         
  • July 2008
  •         
  • August 2008
  •         
  • September 2008
  •         
  • November 2008
  •         
  • December 2008
  •         
  • February 2009
  •         
  • March 2009
  •         
  • April 2009
  •         
  • June 2009
  •         
  • July 2009
  •         
  • October 2009
  •         
  • November 2009
  •         
  • December 2009
  •         
  • January 2010
  •   

      

    LINKS

      Apol  
             dito ga sa amin  
            D' Happy Campers!!!  
            bebengski  
            Umbro       
            Ivan Ulrich  
      Pansitan   
            Sweetlady  
     Batangenyo ka ga?       
            Tina Galido       
      Giz       
      Ka Atoy       
      My Baby    
            Sorbetera    
            Hardcore Arci! hehehe    
      Leng       
      
               

    Shout Box

     

        

     

    Thursday, December 08, 2005

                        
                

        Lechon Cebu     

                 
     

         


    Magkausap kami kanina ng isa kong kaibigan na nasa Malaysia. Pinag uusapan namin ang masasarapa na pagkain. Naalala ko ang Lechon Cebu! aba, ay kahit alang sarsa, tagos hangang laman ang lasa! saan ka pa. hehehehhe...

    Nais ko sana sa Pasko may lechon kami pero ok lang kahit wala. Mas mapalad pa din kami. Mas nais ko sana ay matulungnan na lang ang mga kababayan natin ngayon sa Mindoro na nasalanta ng matinding baha na dala ng walang humpay na ulan.

    Siguro kahit tuyo pede sa akin sa pasko, sanay naman din ako dito eh!


    klip galing sa Inquirer
       

       
                   
                              

    Monday, December 05, 2005

                        
                

        ecoTourism sa sierra madre     

                 
     

         


    Pormal ng ilulunsad ang 600km ecotourism sa sierra madre na bumabagtas sa kahabaan nito. ang ganda nito no.

    Sa akin pananaw, maganda talaga ito lalo na at magiging balanse ang lahat. pero balikan natin ang ibang parke natin. di kaya sa huli ay masira laang ang sierra madre? maraming bundok ang di sakop ng national park na dagsa ang bisita nito. Isang magandang senyales para lokal na pamahalan nito ang income para sa kanyang nasasakupan. Ngunit dahil sa hindi balanse o napatupad yun tamang ecotourism na tinatawag ay nasasakripisyo ang kalikasan. Pati na din sa ibang national park, sa akin napansin, kahit may pondong pumapasok dito e parang nasasakripisyo din ang kalikasan. halimbawa ang mt banahaw national park. Ipinasara sya sa kadahilanan nasalaula ng husto. Tinatawag pa itong banal na bundok ha! Sino ngayon ang may kasalanan. siguro pareho? ang nagbabantay siguro tutulogtulog, ang bisita naman manhid at walang pakundangan.

    Kaya sana ay di masayang ang proyektong ito, dugo at pawis ang puhunan ng karamihan dito na walang interest kundi ang ingatan ang kalikasan at ipaintindi sa mga tao ang kahalagahan nito. Sa akin napansin, ang eco tourism din ang isang susi para umangat din ang income ng bansa. Dangan nga lang sana ay talagang balanse ang lahat. halimbawa sa bayan ko sa Cuenca, ang bundok ng maculot, malaki ang potensyal nito para sa pag unlad ng cuenca sa pamamgitan ng ecotourism. Ngunit medyo taliwas na o hindi nabibigyan pansing ng pamahalaang lokal. 5 piso kada ulo pag pasok mo sa nasasakupan ng maculot. 5 piso???!! oo tama mga kapatid! napakaliit para pang tustos sa mga magmintena sa maculot. Sira na ang trail, (as in!) dahil sa dami ng bisita dito pag sabado o linggo. (umaabot siguro ng 300 katao minsan) Nagkalat ang basura, walang habas na pagtatapon ng ng bisita. May minsang pang na aaksidente at nabalitang hold upan sa loob ng bundok. Ilan lamang yan sa kanyang suliranin na kitang kita na di balanse ang paggamit dito. wag naman sana dumating ang panahon na gumanti ang maculot kagaya ng nangyri sa Nakar, Real at iba pang lugar sa Quezon dahil sa alang habas na pag abuso sa kalikasan.

    Di lamang sa maculot nangyayari ito, sa iba pang budnok ay ganito din. nakalimuntan na ata yun 11 isang bisita sa mt romelo na namatay dahil sa flash flood, empre kalbo na yun bundok na yun kya nagkaganun.

    Sumusuporta ako sa ecotourism... hmmm pano nga ba? sa tingin ko maging magalang lang tayo sa inang kalikasan ay sapat na kahit ano pang nais natin. mga simpleng bagay lang. sumunod lang sa regulasyon ng isang parke, kung alang regulasyon o nde sya parke, gawin ang sa tingin ay makakabuti. wag magkalat, ibaba ang dalang basura at itapon ng maayos. low impact ay makakatulong din. ano pa ga? basta yun lang po

    "Bakit di natin pagisipan
    Ang nangyayari sa ating kapaligiran
    Hindi na masama ang pag-unlad
    Kung hindi nakakasira ng kalikasan

    Darating ang panahon mga ibong gala
    Ay wala nang madadapuan
    Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
    Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan"

       

       
                   
                              

    Sunday, December 04, 2005

                        
                

        Puyatan sa Mt Daguldol     

                 
     

         

    Bundok Daguldol
    San Juan, Batangas
    Dec. 3 at 4, 2005





    Umaga na din ng Dec 3 ako umuwi, galing ako sa Eastwood Libis para i-lahad ko sa team Bucks ang plano ng climb. Pagkatapos dumaan ako sa makati at nag paumaga.

    Ala Una, nasa Alabang na ako, gaya ng na pag usapan, dito nila ako pipik-apin. als dos, alas dos imedya, waaaaaa... asan na kayo!!!@#%* Wasak nanaman ang Itinerary na sya namin plano. Nakakainis din yun ha! aba'y paghintayin ka ga naman ng halos 3 oras, di nakakatuwa yun ha! ok ok ok tangapa ko na sige na, tara na!

    Nakow, anong petsa na! dala namin ang van ni peter, isa sa team bucks. Ang kaso traysikel laang ang nalalagpasan namin sa bagal ng takbo nito. Hay.. kelan kaya kami makakarating sa San Juan? hahahha.. at kamiy naligaw pa! pag ginagaling nga naman ang panahon oh. waaaaaaa....
    mag alas nuwebe na ng gabi ng kami ay makarating sa brgy Hugom, San Juan ,Batangas. Inihanda ang lahat para sa aming paglalakad patungo sa Itaas ng Bundok Daguldol.

    Madilim at may kalamigan ng kaunti ang hangin habang binabaybay namin ang gilid ng dalampasigan. "kuya, sigurado bang dito ang daan?" tanong sa akin ng isang team buck. Nataon kasi na mataas na ang tubig kayat kami'y panay ang pananabi kung ayaw mabasa ng tubig dagat. "Uu, mamaya ng kaunti ay mararating din natin ang daan pataas ng Daguldol". Peterrrrrr... bakit ala ka nanamang linte! nakow, tsk tsk ka talaga! alam mong gabi tayo mag lalakad eh!

    1,2, tatlo, apat na oras! sa wakas nakarating din kami. Medyo mabagal ang aming lakad. Bukod sa madilim at maputik, ay itong si peter (nanaman!) nakakaramdam daw sya ng pagod. Tama bang mas matagal pa ang pahinga mo kesa sa lakad? Bheeee... (pasensya ka na pete, dito kita titirahin.. hehhehe)

    als dos ng madaling araw kami nakarating sa makatuwid. nagtayo ng tent at nagsaing ng kanin. Ngunit sa antok ko ay natulog na ako at di na hinintay ang kanin. Nagising ako ng ala sais ng umaga, naririnig ko pa ang boses ng pinsan kong si Bob. Langya ka Bob, di ka pa natutulog?! lashing ka na ah! halika dito at mag luluto tayo ng almusal! hehhehe... luto ako ng tosino habang pinapapak ko ang litson manok na sana'y hapunan ko. Inutusan ko si Marc na ayusin na nya ang kaniyang gamit at pagkatapos ay gisingin na ang lahat para makapag almusal at makapghanda sa pagbaba.

    Wehehehhee... di matapos tapos na kodakan bago kami nakababa. Paano ga naman, ay maulap at matagal bago nagpakita ang magandang tanawin dito. O sya taranang bumaba.

    Padating sa baba empre ligo naman sa sa dagat, ayus! habang sila at naliligo ako naman nag iinom ng gin. Di kasi ako nakainom kagabi kayat duon ako bumawi sa tabing dagat! whwhwhwhehe... sa makatuwid, lashing si dunicio sa aming pag uwi! hahahhahahwaaaaaaaaa.... ano naligaw nanaman?! (nakarating kami ng quezon kasi naligaw) hay isang nakakapagod, nakakanatok dahil puyat nanaman at empre isang nakakalasing na pamumundok... hehheheh.

    un ibang litrato ay naandito >>>> akyat ng mga call boy
       

       
                   
                              

    Friday, December 02, 2005

                        
                

        Batingaw     

                 
     

         

    By: ASIN
    Composer: Pendong Aban

    Tawag ng batingaw
    Hayo na't ipaalam Sa mundo ay isigaw Karapatang pantao ay igalang

    Ano mang dahilan
    Antas, kulay o isipan Tao'y pahalagahan Karapatang likas, panindigan

    CHORUS


    Ang karapatang pantao ay igalang 'Di lamang sa diwa kundi sa puso man
    Siyang sandigan ng katarungan Kapayapaan at kalayaan

    AD LIB

    Tayo ay lilikha Bayan na pinagpala Bayan na may kalinga Kinabukasang alay sa mga bata

    INTERLUDE

    Tawag ng batingaw Hayo na't ipaalam Sa mundo ay isigaw Karapatang pantao ay ipaglaban

    [Repeat CHORUS twice]
       

       
                   
                                               
                

        OFW; Heroes nga ba?     

                 
     

         


    Makabagong bayani nga bang matatawag ang OFW natin? Siguro sa gobyerno, OO. E kung mayaman ang bansa natin, matatawag pa din ba silang bayani dahil sa dolyar na ipinadadala nila? hmmm...

    Isang katotohanan ba na dahil alang pagpilian ang mga kababayan natin dito sa atin? Kelangan mag sakripisyo ni nanay o tatay para sa pamilya nya? Ito'y ba'y kabayanihan? Ang mawalay sa mga anak at mahal sa buhay? na hindi nakakasama o nararamdaman ng kapamilya ang kanyang presensya? ay kalungkot ata niyon?

    Hindi bagat matatawag na bayani ang isang ka-pamilya kung nasusubaybayan nito ang bawat panahon na dinadaanan ng kanyang anak o kapatid? Na bawat hakbang, pagkalinga, pansin at pagmamahal ay naitutuon sa kanila?

    Ay anong magagawa natin kasi ala naman pagpilian dito sa bayang tinubuan. Di naka pagtataka na kahit mga guro dito sa atin ay umaalis. Buti kamo kung pag tuturo ang trabaho, ay hindi eh! bagamat marangal ang katulong bilang trabaho sa ibang lugar. nakakababa din ng loob na dito ay isang kang maestro na dapat naghuhubog para sa mga susunod na henerasyon.

    Ngayon sasabihin nila na isang makabagong bayani? o isang alila ng paghihirap na lumalalang ekonomiya ng bansa?!

    Ala lang di ko din alam