<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12525814?origin\x3dhttp://dengdunicio.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
 
 
 
  

ABOUT

          Mahilig sa outdoor, pala-kaibigan, mountain guide, umiinom pero di mangi-nginom, mahilig mag explore, laki sa probinsya at ahh.. hmmm.. ano pa ba? pagnakita na lang tayo kwentuhan tayo! heheh...  

ARCHIVES

         
  • May 2005
  •         
  • June 2005
  •         
  • July 2005
  •         
  • August 2005
  •         
  • September 2005
  •         
  • October 2005
  •         
  • November 2005
  •         
  • December 2005
  •         
  • January 2006
  •         
  • February 2006
  •         
  • March 2006
  •         
  • April 2006
  •         
  • May 2006
  •         
  • June 2006
  •         
  • July 2006
  •         
  • September 2006
  •         
  • October 2006
  •         
  • December 2006
  •         
  • February 2007
  •         
  • April 2007
  •         
  • May 2007
  •         
  • June 2007
  •         
  • July 2007
  •         
  • August 2007
  •         
  • October 2007
  •         
  • December 2007
  •         
  • January 2008
  •         
  • April 2008
  •         
  • May 2008
  •         
  • June 2008
  •         
  • July 2008
  •         
  • August 2008
  •         
  • September 2008
  •         
  • November 2008
  •         
  • December 2008
  •         
  • February 2009
  •         
  • March 2009
  •         
  • April 2009
  •         
  • June 2009
  •         
  • July 2009
  •         
  • October 2009
  •         
  • November 2009
  •         
  • December 2009
  •         
  • January 2010
  •   

      

    LINKS

      Apol  
             dito ga sa amin  
            D' Happy Campers!!!  
            bebengski  
            Umbro       
            Ivan Ulrich  
      Pansitan   
            Sweetlady  
     Batangenyo ka ga?       
            Tina Galido       
      Giz       
      Ka Atoy       
      My Baby    
            Sorbetera    
            Hardcore Arci! hehehe    
      Leng       
      
               

    Shout Box

     

        

     

    Wednesday, March 29, 2006

                        
                

        Bakasyon ngayong Tag-init     

                 
     

         

    Tag init nanaman, kapag ganitong panahon, karamihan ay nag paplanong mag piknik. Maligo sa dagat, sa ilog o di kya sa pool. Yun iba naman, umuuwi ng probinsya para madalaw ang mga kamag anak. Dahil mahaba ang baksyon sa trabaho, araw din ito ng mga namumundok upang makapasyal sa mas malayong lugar. At empre panahon din ng maraming mag arkila ng van namin. Hiiihihi (pa book na kyo! May plug pa)

    Nakatakda kaming tumulak ng mga kaibigan ko sa Mt Bulusan. Nun isang gabi, nag tek sa akin ang kaibigan ko at sinabing pumutok daw ang Bulusan. Pag dating ko sa bahay, nag chek agad ako sa balita, at di katagalan sa news flash e binalita nga na medyo nagwawala daw sya. Hehehe…

    Dahil sa budget, di ko ngayon alam san ako pupunta, kung matutuloy yun mag paguide sa akin sa Mt Pulag, ay mas ayos. Hehhe di masasayang ang bakasyon ko. Kahit na nakapila yun mga kakilala ko na gusto mag paguide, ala pa din kasiguraduhan kasi ala pa nman nagbigay ng hudyat kung tuloy kami o hindi.

    Kayo ba, san plano nyo, ngayong mahaba ang bakasyon? (habang tinitipa ko to, akalain nyong bumuhos ang ulan! nyahahaha..)

       

       
                   
                              

    Tuesday, March 28, 2006

                        
                

        Baywalk Trip to Tagaytay (wag mo ng itanong kung bakit)     

                 
     

         












       

       
                   
                              

    Sunday, March 19, 2006

                        
                

        Isang Dekadang Hinagpis     

                 
     

         

    Mahigit isang dekada na akong nahihilig sa mountain climbing. Sa loob ng panahon na ito, maraming beses ko ng nabalikan ang bundok ng makulot, na kung saan itoy malapit sa aking puso dahil dito uminog ang aking mundo ng aking kabataan. Sa paglipas ng panahon, bihira ko na syang pasyalan. Tinatanaw ko na lamang sa tuwing akoy uuwi sa aking bayan, ang Cuenca. Ang dahilan nito ay isang personal na layunin, layunin na maibsan ang lubos na pagkasira ng Maculot. Lalong lalo na ang sobrang mala-kanal ng trail nito. Simula naman nun isang taon, may dalawa ng insidente ng hold up ang naganap. Yun una, ay nagsampa ng kaso at pangalawa ay nag sabi lamang sa barangay. Bukod pa dito ang napakaruming campsite na dahil sa iresposableng bisita sa bundok.

    Nitong Sabado at Linggo, may nagpa-guide sa amin ni Kevin (malapit kong kaibigan). Naisip kong tanggapin ito upang matingnan ang kalagayan ng bundok. Yun nagpaguide sa amin, bagaman unang beses pa lang umakyat, kitang kita ko paano sila nahirapan sa grabeng lalim at dulas ng trail dahil sa dami ng umaakyat dito. Bago pa man kami lumarga, ipinaliwanag ko na sa kanila ang hitsura ng Maculot.

    Halagang sampung piso, maliligayahan ka na upang mag palipas ng oras sa itaas ng Maculot. iba ibang tao ang bumibisita dito, pero sa haba ng panahon, sa halagang sampung piso, tila baga unti unti di balanse at di pabor sa maculot ang nangyayari sa kanya. Para syang unti unting nagagahasa, nagpapasasa ang mga bisita sa ganda nya at pagkatapos ay iiwanan ng ganun na lamang. Ang turista ay dagdag na kita para sa lugar na pinasyalan nila. May nag titinda ng buko duon sa daan paakyat ng Maculot. Sa itaas, ma eenjoy mo ang lahat ng kailangan mo, may tindihan kasi duon. Tubig, kape, gamit sa pagluluto, pagkain, at kahit inumin na nakalalasing, ikaw ay makakabili. Nagkalat ang basura, sirang trail at parang fiesta sa gabi. para ka ba gang naandun sa baywalk.

    Aking pananaw, sana naman ang magising ang aking mga kababayan upang mahalin ang Maculot. Ang Cuenca ay isang potensyal at akma sa eco tourism, pero sanay dumating na ang araw na yun. Balanse ang lahat, payapa (alang hold up) at di nasasakripisyo ang bundok. Di pa nman huli ang lahat eh. Kung makakapagsalita lamang ito, maririnig natin ang kanyan hinagpis.

       

       
                   
                              

    Monday, March 13, 2006

                        
                

        Ikwento mo, iluluto ko!     

                 
     

         

    Halohalo sa inyo lahat! eto ang inyong lingkod si chowdeng.. malami tayo bago menu ngayon. can I take your order please? hihiihihi
       

       
                   
                              

    Friday, March 10, 2006

                        
                

        Hilatsa ng Avenida, Sta. Cruz ng Manila     

                 
     

         

    Di ko sukat akalain na ang dami ko pa lang makikita sa hilatsa ng Avenida sa Sta. Cruz, Manila. May tatlong oras din yata ang ginugol ko sa lugal na ito. Walang humapay sa paglalakad, paikot -ikot at pagtatanong sa lugal. hehhehe...

    Lagpas ala - onse ng ng umaga, nasa Robinson's Galleria ako may inuutos kasi ang aking mahal na ina. Matapos ko itong mabili ngunit kulang pa din, kumain muna ako ng damo damo sa Delifrance at garlic bread. Wag nyo nang itanong kung bakit. hehehe..

    Bumili ako ng baterya na para sa gadget ng lola ko.(nde MP3 player ha!) Para ito sa pang testing daw ng blood sugar. At kelangan ko din ng baterya para sa portable radio. Dahil isa lang ang nabili ko, tumungo ako sa buendia, anduon daw yun bilihan ng para sa radyo. Sa kasamaang palad kahit mainit ang panahon di pa din ito umayon, kasi ala daw stak. Dahil mag uubos din ako ng oras, minabuti kong tumulak sa Raon. Dito maraming kalakal at mura pa. May tek sa akin ang aking mahal na ina, "mag ingat ka sa mandurukot ha" hmmm... siguro nun dalaga pa sya madami ng mandurukot dun. hihihii... salamat pow!

    LRT ang mabilis! baba ako ng "carriedo". Lintek! matatagalan ata ako sa katangahan ko. Di kasi pumasok yun magnetik card na binili ko. Mantakin mo, baliktad pala!! hahaha ay katanga ko din.. hihihi
    "Atensyon sa lahat ng pasahero. Magkakaaroon po tayo ng mabilis na pagbukas at pagsara ng pintuhan. Sa kadahilan pong malayo ang gap ng sinusundan natin tren" "mag ingat din po tayo sa mandurukot" hahaha..buti mabilis ako nakalabas sa pintuan ng tren. Pero may babala nanaman! mukahang madami nga ditong luko-luko ah at di na din ko nagkamali sa pagpasok ng magnetic card at madali akong nakababa.

    Sa kalsada ng G. Puyat (lam nyo yun!) ang daming tao! may rally ba dito? bat ang gulo gulo! Sari sari ang paninda nila, damit, gamit sa kusina, pang sundot ng lababo at kung ano ano... hehehe.. dito pa lang pansin mong buhay na buhay ang komersyo. Kanya kanyang sigaw at diskarte. Pero lagi kong pinapansin e yun wallet ko at aking bag, baka kasi ako ang madiskartehan. Pagdating ko sa kabilang kanto. Mas maingay! puros tugtugan, palakasan pa! dito naman ang radio and electronics. Siguro andito na yun hinahanap ko, ayus!

    DVD player, mga baklas baklas na CD ROM, speaker na kalalaki, mga pag disco accessory, mga pyesa at pyesa at iba ibang samut saring di ko alam kung ano yun. "mama.... meron ba kayo nito? ano to? baterya po ng radyo" sabi ko. Wala kami nyan" so lakad ulit. Pinagmamasdan ko ang aking mga dinaan, kung marami kang salapi, ang dami mong mabibili na kapakipakinabang sa loob ng inyong tahanan. Tumigil ako saglit sa nag titinda ng mga CD ROM upang mag tanong. "Manong meron ba kayong CD Writer?" Tiningnan nya yun gabundok ng CD ROM tapos kinuha yun nasa iababaw, "ito, 700" (ang mura) isip isip ko, e kung kunin ko yan at ipukpok ko sa ulo mo. Gustong kong sabihin na manong niloloko mo ko eh, cd rom lang yan binibigay mo sa akin. pahanap hanap ka pa kunwari. Pero ang sinabi ko, "ahh.. salamat" at nag tanong ako. "san po ba dito yun bilihan ng nga mga radyo, yun two way radio, icom, alpha tango, yun mga ganun?" Itunuro ako sa di kalayuan tindahan "ayun, duon sa Promac, madaming radyo dun!" ngek!! honga naman radyo yun mga promac na yun! hahaha ang tanga ko. natawa na lang ako kay manong.

    O sige lakad, lakad pa naka ilang kalye na ako pero puros pang sound system ang nakikita ko. Nag tek ako sa kakilala ko upang mag tanong, pero empre humanap muna ako sa lugar na sa tingin ko ay safe. Remember! dami daw loko dun! Ibig sabihin sa isang lugal na sentro ng komersyo, na kagaya nito, madaming manggantso. Nagtanong ulit ako sa isang tindahan, pero ala yun hinahanap ko. Tinanong ko na lang san kaya meron nun. Sabi sa akin subukan ko daw sa kabila ng avenida. Okey salamat, sa kabila ng avenida tayo pumunta.

    Yun ilalim ng LRT, ginawa na palang parke hanggang Recto. Andun pa din yun Metropol, and daming kainan, may mga upuan sa gitna ng parke at empre madami pa din nag titinda, lalo na yun piratang CD na karamihan bold. hehehe.. tumawid ako sa ronquillo st. sabay naresib ko na yun tek at sinasabing sa kabila nga daw ng avenida meron. yun papunta daw ng binondo. Ewan ko, sige lakad at lakad. Waaaa tindahan naman ng mga sari-saring ilaw, pangdekorasyon sa bahay at mga tiles. Lintek at malilintikan ata ang lakad ko. Lumakad ako patungong Recto, ngunit ala akong matanaw na bentahan ng hinahanap ko, so bumalik ako. Mga bangko, at tindahan naman ng bagay bagay na pang intsik. May mga kainan din. nakakagutom, amoy pa lang ulam na! hehehhe..Nasalubong ko pa ang ang titser na intsik nun akoy nasa koleheyo pa. Tumango laang ito at tumuloy ng pag lakad. Habang ako'y umusad ng paglalakad, iniisip ko pa din hanggang ngayon kung ano pangalan nya, ng biglang Welcome to Manila Chinatown! nyahahaha asan na ako! Ting! natuwa ako kasi ang layo na ng naikot ko. Binalikwas ko ang aking bag, at kinuha ko ang kamera! yehey! piktsur! nyahahah.

    So habang akoy naglalakad, ine-enjoy ko ang aking nakikita. Tumigil ako sa kanto ng ongpin at kumuha ulet ng piktsur. May nakita pa akong hilera ng mga kabayo, mukahng pagal na ang mga ito, tulo ang laway eh! sa aking paglalakad, lumabas ulet ako sa gitna ng avenida at may nakita akong umpukan ng tao. Lumapit ako upang maki usyoso ng biglang may narinig akong awit. nyahaha.... si Noel cabangon, bulag na! joke pero napakagandang tinig mula sa isang bulag habang kanyang inaawit ang kanlungan. Kaya't ako'y tumigil sandali upang aliwin din ang sarili, bumili muna ako ng meryenda. Limang pisong pinya! abay sapat nato, sa dami ng aking ipinawis sa ilalim ng araw na pag dakay aambon pa, siguradong tunaw na yun damo damong kinain ko sa ortigas! sarap!

    Masyado na akong nalilibang, naalala ko yun ang aking hinahanap. San ko nga ba makikita yun. huhuhhuhu... Naisip ko na bumalik sa Recto, duon, maraming pakiwari ko at sabi ng karamihan ay nakaw na item. Pagdating ko sa recto, naaliw ako sa mga tinda nila. kakararaming celpon at iba ibang gadget na kung susumahin mo at ka mumura. Napahinto ako sa isang tindahan ng mga lumang pang radyo, bingo! nag tanong ako dito at sabi sa akin duon daw ako pumunta sa kabila ng Raon, sugsugin ko lang daw ito makikita ko ang tindahan ng hinahanap ko. Sanay nga'y tama sya kasi nakakapagod din magpa ikot ikot na inaaliw ko lang ang mga bagay na nakikita ko noh!

    Sa makatuwid, bumalik muli ako, binaybay ko ang ngalan ng mga kalye. Narating ko na yun dulo, Carriedo Station na ng LRT pero ala akong nakitang Raon na kalye. Di ako sigurado alin sa G. Puyat at Soler ang Raon. hahahha... kayat akoy nag tanong sa isang ale na nag titinda ng mga paper bag. Siguradong alam nito kasi palakad lakad sya eh. Ngunit, iminustra nya lang ang kanyang kamay tapos ang sabi "dyan, dyan banda, tapos lumiko ka" ayus! bat kaya di nga na lang sabihin na di nya alam. hahaha.... o sige payag na ako, nun malapit na ako sa kanto may isang tanod, eto sigurado na to. At di ako nagkamali. "Raon, G. Puyat po ang dating Raon St." naks! biruin mo napaka inpormatib ng tanod na yun, at akoy nag pasalamat.

    Parang dumaan na ako dito ah ang kaso ay bumalik ako. Ang tagal kong nakahinto, hinahanap ko ang sinabi sa akin ng kausap ko sa recto. Lumakad pa ko ng konte at palinga linga. aha! sa wakas nakita din kita! mwuah mwuah! hahahha.. dali dali kong nilabas yun sampol ko at nag tanong kung meron sila nun na dapat lang na meron! kasi ilang oras ang ginugol ko para lang dito. 500 daw ang presyo yun battery pack pag orig 1200. Pero, ala na daw silang stak! huuuuwwwwaaaaatttt....!!! gusto ko ata umiyak at matawa sa oras na yon! biruin nyo sa haba ng nilakad at tinipa ko dito sa pc di ko pala mabibili yun hinahanap ko. Nangayayat nga ako eh tapos ala ng stak. E anong gagawin ko so lumabas na ako.

    Sa kagandahang palad, sa di kalayuan may na ispatan pa akong tindahan! yehey! sana naman meron na dito noh! so inilabas ko yun dala dalahan ko at ipinakita. Isip sip ko wag syang kokontra baka bigla sa kinatatayuan ko, akoy bigla akong matumba. 450 daw ang isa, yahoo... sa katuwaan ko nakuha ko pang tumawad ngunit bigo ako kasi daw 500 yun. (isip isip ko di pa nman ako tumatawad kanina ah pero sige basta meron) Nagtanong pa ko ng isang ko pang bateryang dala ngunit ala daw. Bumli na din ako ng speaker myk para di na ko bumalik ng para lang dun.

    Hay, kasaya ng aking naranasan habang akoy sumakay ng jeep patungong Liwasan Bonifacio. Alam nyo ba may bonus pa yun adbentsur ko, pagdating ko ng Liwasan, may nagrarally dun. isang panawagan na bumaba na daw ang pangulo. hehhehe empre kumuha muna ako ng piktsur bago ako tuluyang sumakay ng Ef-ek patungong Las Pinas. Ang sarap libutin yun lugal na yun! subukan nyo sasakit ang ulo nyo pero kakaibang ligaya ang hatid nito.

    Nek taym Sa Central market kya ako pumunta? may wag wagwagan dun, ang una at sikat na ukay ukay sa manynila. Sino gusto sumama? hehehe
       

       
                   
                              

    Wednesday, March 08, 2006

                        
                

        Mumu sa Parking Lot     

                 
     

         

    Kahapon umuwi ako sa Batangas kasama nanay ko upang ilabas ang lola ko sa hospital. Sa Mediatrix siya nakaconfined, dahil matanda siya kaya't sakitin na. Pero ang kwento ko ay tungkol sa kakaibang pang yayari sa parking lot ng hospital.

    Lunes ng madaling araw ng isugod namin si lola sa hospital n iyon, sa dahilang ala pang kwarto para kay lola dahil nasa ICU pa sya, e sa van ako natulog. Ala naman kakaiba maliban sa mayat maya ay kakatukin ako ng nanay ko upang may kunin sa van.

    Kahapon ng hapon, inaantok ako mga ala una din yun, may kainitan sa parking lot. marami din nag papark at mamaya ay may umaalis. Bunuksan ko ang likudan bahagi ng van, pati na din mga bintana nito. Pagkatapos, hiniga ko ang sandalan sa huling upuan ng van at duon ako ay nahiga. Sarap ng hangin! labas masok ito. Pero nun sarap nasarap na ko sa aking pagkahiga eh may umuuga sa bandang ulunan ko kayat akoy bumalikwas upang tingnan, aba'y ala nman tao. hmmm.. Sige tulog gawa ulet ng tulog. ang kalokohan ng mga yun pag ako'y nasa aktong makakatulog na, saka naman ako uugain. Aba ako'y pilit na tinatakot. Pero di ko siya o sila pinapansin ng mamaya eh sa may paanan ko na ang inuuga! dahil dito ako ay naiinis na. Sinabi ko na lang na "Wag nyo naman ako takutin kasi hindi naman ako natatakot, ang gusto ko ay matulog. Kung gusto nyo mag trip sa iba na lang please...!" maniwala kayo at sa hindi ang sarap ng tulog ko. heheheh yun tipong may pawis pawis pa ko sa leeg habang banayad na iihip ang hangin sa akin. Yun ng iistorbo sa akin, siguro'y naghanap ng matatakot o kaya baka naghanap ng ibang kalaro. heheheh...

    yun lang! (pagkagising ko nag txt ako sa kaibigan kong taga Cuenca tungkol sa pangyayari at sabi nya, ala e meron pala diyan.)
       

       
                   
                              

    Friday, March 03, 2006

                        
                

        Himig ng Pag-ibig     

                 
     

         

    Himig ng Pag-ibig
    Lolita Carbon


    Sa pagsapit ng dilim ako'y naghihintay pa rin
    Sa iyong maagang pagdating
    Pagkat ako'y nababalisa kung 'di ka kapiling
    Bawat sandali mahalaga sa atin.


    Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
    Tulad ng langit na kay sarap marating
    Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
    Tulad ng himig na kay sarap awitin.

    At ngayong ikaw ay nagbalik sa aking piling
    Luha ng pag-ibig kay sarap haplusin
    Tulad ng tubig sa batis hinahagkan ng hangin
    Pag-ibig ang ilaw sa buhay natin.

    Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
    Tulad ng la-ngit na kay sarap marating
    Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
    Tulad ng himig ng pag-ibig natin.
       

       
                   
                                               
                

        Pag kalito     

                 
     

         

    Isang linggo ako nawala sa sirkulasyon, kinailangan ng dagliang kita para mapunan ang pangangailangan. Gaya ng isang sisiw, kelangan kumahig upang makita ang tutukain. Pero yun mga araw na yun, pilit kong iniisip kung san nga nga ba ako nakarating habang hawak ko ang manibela ng sasakyan. Piliti ko din sinisilip ang dulo ng daanan, may kalayuan, pakiramdam koy puno ng lubak kahit na samentado ang aking ginagalawan. Di ko lubos mawari kung ako ba ay naliligaw o nababaliw. Para akong nasa hawla na bukas naman ang pintuan, nais kong lumabas, lumaya, ngunit may magnetong pilit din ako pinababalik sa loob. Siguro nasa isang loop ako o maze? sana makita ko na yun daan palabas. Minsan kasi akoy giniginaw sa ilalim ng araw at banas na banas naman kahit sayi na ako sa ulanan. Bukod pa dito ang mga makulay at mapanuksong di ko mawari kung anong bagay na tila panay pang aakit. May nakakatuwa at nakakatulong, meron din naman nakakasama ng loob ang implikasyon. Naway magbunga na ang puno ng mangga upang sa pag sikat ng umaga, sa paglipad muli ng mga maya, ay magandang hantungan ang lahat bago pa man lumubog ang haring araw sa kanluran, nasa sya ding basihan ng kapos, hikahos, at nag pupumiglas, umaasa ng isang magandang bukas.